Ratiles ni Logan

Loganberi
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Dibisyon:
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
R. × loganobaccus
Pangalang binomial
Rubus × loganobaccus

Ang loganberi o ratiles ni Logan (Ingles: loganberry; Rubus × loganobaccus) ay isang haybrid na nalikha mula sa pagsasanib ng lumboy (blackberry) at ng raspberi/sapinit (raspberry) o dewberry (Rubus sect. Eubatus). Malalaki ang mga may asim o maasidong mga ratiles na ito na may kulay na mamula-mulang purpura.[1] Kauri ito ng titaw, banut, atibulnak, datung, palanaw, bunot, pilay, at duhat.[2]

Hinango ang Ingles na pangalang loganberry mula kay James Harvey Logan (1841-1928, kilala rin bilang J. H. Logan), isang Amerikanong manananggol at hortikulturista. Hindi sinasadyang nalikha niya ito noong 1880 o 1881 sa Santa Cruz, California. Inaalagaan at pinararami ang mga loganberi sa Kanlurang Dalampasigan ng Estados Unidos.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Loganberries". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa L, pahina 404.
  2. Gaboy, Luciano L. Loganberry, bumatay din sa blackberry - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

HalamanPunoBotanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman, Puno at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.