Ang ras el hanout (Arabo: رأس الحانوت; "pinuno ng tindahan") ay isang popular na halo ng mga yerba at panimpla na ginagamit sa Kanlurang Asya at Hilagang Aprika. Walang takdang kumbinasyon ng mga pampalasa ang bumubuo ng ras el hanout bagaman karamihan sa mga anyo nito ay naglalaman ng higit pa sa isang dosenang panimpla, kasama na ang kardamomo, moskada, masis, kanela, paprika, komino, silantro, at mga giniling na sili. Ang ilan sa mga resipi o reseta ay nagtataglay ng higit pa sa isang daang kasangkapan. Kadalasan tinotosta ang lahat ng mga kasangkapan at ginigiling nang magkasabay.