Si Pánfilo de Narváez (ipinanganak noong 1478 o 1480 sa Valladolid – 1528) ay isang Kastilang sundalo at eksplorador. Naglayag siya patungong Amerika noong bandang 1498. Naglingkod siya sa ilalim ni Diego Velázquez de Cuéllar (kilala rin bilang Diego de Velázquez lamang) upang hanapin at sakupin ang Kuba noong 1511. Pinamunuan niya ang ekspedisyon sa Mehiko noong 1520 upang talunin si Hernán Cortés ngunit nagapi si Narvaez at nabilanggo ni Cortes noong 1522. Nang mabigyan ng pahintulot na sakupin ang Plorida noong 1526, siya ang namuno sa ekspedisyon sa Plorida noong 1528 subalit namatay na kasama ang karamihan sa kanyang mga tauhan habang naglalakbay pabalik sa Mehiko. Tatlong tao lamang ang nakaligtas at nakabalik sa Mehiko noong 1536, na pinamunuan ni Álvar Núñez Cabeza de Vaca.[1]