Ang Pulo ng Paskuwa (Wikang Rapa Nui: Rapa Nui, Kastila: Isla de Pascua) ay isang pulo at espesyal na teritoryo ng Chile sa timog-silangan ng Karagatang Pasipiko, sa timog-silangan na punto ng Tatsulok ng Polynesia sa Oceania. Ang Pulo ng Paskuwa ay pinakatanyag sa halos 1,000 mga umiiral na monumentong estatwa, na tinatawag na moai, na nilikha ng mga naunang Rapa Nui. Noong 1995, pinangalanan ng UNESCO ang Pulo ng Paskuwa bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook, na ang karamihan sa isla ay protektado sa loob ng Pambansang Liwasang Rapa Nui.