Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Long Island location map.svg" nor "Template:Location map Long Island location map.svg" exists.
Ang Pulo ng Long (sa Ingles: Long Island) ay isang pulong matatagpuan malapit lang sa hilagang-silangang baybayin ng Estados Unidos at sa rehiyong bahagi ng estado ng New York. Mula Daungan ng New York sa silangan, pahilagang-kanluran sa Karagatang Atlantiko, sakop ng pulo ang apat na county ng Kings at Queens (na bumubuo ng mga borough ng Lungsod ng New York ng Brooklyn at Queens) sa kanluran; at Nassau at Suffolk sa silangan. Subalit maraming taga-kalakhang New York (kahit ang mga nakatira sa Queens at Brooklyn) ang pangkaraniwang ginagamit ang "Long Island" upang eksklusibong tukuyin na palansak ang mga county ng Nassau-Suffolk, na halos mala-naik ang katangian.[2] Sa hilaga ng pulo ay ang Long Island Sound, sa kabila nito ang mga estado ng Connecticut at maliit na bahagi ng Pulo ng Rhode.
Sa populasyon nitong tinataya ng Senso na 7,804,968 noong 2014, halos 40% ng kabuuang populasyon ng Estado ng New York,[3][4][5][6][7] ang Pulo ng Long ay ang pinakamataong pulo saan mang estado o teritoryo ng Estados Unidos, at ang ika-17 pinakamataong pulo sa buong mundo (higit pa sa Ireland, Jamaica at Hokkaido). Ang kapal ng populasyon nito ay 2,151 bawat kilometrong kuwadrado (5,571 milyang kuwadrado). Kung ang Pulo ng Long y gagawing isang kalakhang pook na pang-estadistika, ito ay magiging pang-apat sa Estados Unidos; at kung ito'y magiging isang estado, ang Pulo ng Long ika-13 pinakamatao at mangunguna sa kapal naman ng tao.
Kapwang pinakamahaba[8] at pinakamalaking pulo sa magkakanugnog na Estados Unidos, ang Pulo ng Long ay umaabot ng 190 km (118 mi) pasilangan mula Daungan ng New York hanggang Montauk Point, na may sukdulang distansiyang 37 km (23 mi) hilaga-hanggang-timog sa pagitan ng Long Island Sound at ng baybaying Atlantiko.[9]
Sa lawak nitong 1,401 milyang kuwadrado (3,629 km2), ang Pulo ng Long ay ang ika-11 pinakamalaking pulo sa Estados Unidos at ika-148 sa buong mundo — malaki pa sa 1,214 milya kuwadrado (3,140 km2) ng pinakamaliit na estado ng Pulo ng Rhode.[10]
Dalawa sa tatlong pinakaabaláng paliparan ng kalakhang Lungsod ng New York, ang JFK International Airport at LaGuardia Airport, pati na rin ang dalawang pangunahing pasilidad ng radar para sa pagkontrol ng trapiko sa himpapawid, ang New York TRACON at New York ARTCC, ay nasa pulo. Siyam na tulay at 13 lagusan (kasama ang mga lagusang pandaanmbakal) ang nagdurugtong sa Brooklyn at Queens (sa Pulo ng Long sa tatlo at iba pang borough ng Lungsod ng New York. Ang mga ferry ay nagdurugtong sa County ng Suffolk pahilaga patawid ng Long Island Sound sa estado ng Connecticut. Dagdag pa rito, ang Long Island Railroad ay ang pinakaabaláng daambakal na pangmananakay sa Hilagang Amerika at tumatakbo ng 24 oras sa 7 araw.
↑John Burbidge (Nobyembre 21, 2004). "Long Island at its Best; Who's the Longest of Them All?". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 30, 2011. But the court wasn't saying Long Island isn't an island in a geographical sense", he continued. "In fact, all parties involved in the case agreed Long Island is a geographical island. It was only for the purposes of the case that the island was declared an extension of New York's coastline.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Long Island". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles) (ika-Britannica Concise (na) edisyon). Encyclopædia Britannica, Inc. 2011. 9370515. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-11-05. Nakuha noong Abril 30, 2011.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑"Secretary of State of Rhode Island" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 30, 2011. This total excludes U.S. territorial waters, which were included in previous years.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)