Schloss Bellevue
Ang Bundestag sa Berlin.
Ang Berlin ay isang lungsod-estado at ang kabesera ng Republika Federal ng Alemanya.
Kabeserang lungsod
Ang Bundeskanzleramt
Ang Berlin ay ang kabesera ng Republika Federal ng Alemanya. Ang Pangulo ng Alemanya , na ang mga tungkulin ay pangunahing seremonyal sa ilalim ng konstitusyong Aleman , ay may opisyal na tirahan sa Schloss Bellevue .[ 1] Ang Berlin ay ang luklukan ng ehekutibong Aleman , na matatagpuan sa Kansilyeriya , ang Bundeskanzleramt .
Lungsod-estado
Rotes Rathaus , luklukan ng Senado ng Berlin
Mula noong muling pag-iisang Aleman noong Oktubre 3, 1990, ang Berlin ay isa sa tatlong lungsod-estado (kasama ang Hamburgo at Bremen ) sa 16 na estado ng Alemanya. Ang parlamento ng lungsod at estado ay ang Kapulungan ng mga Kinatawan , (Abgeordnetenhaus ), na may 141 na luklukan. Ang ehekutibong kinatawan ng Berlin ay ang Senado ng Berlin (Senat von Berlin ). Ang Senado ay binubuo ng Namamahalang Alkalde (Regierender Bürgermeister ) at hanggang walong senador na may mga ministeryong posisyon (isa ang may hawak ng opisyal na titulong "Alkalde" (Bürgermeister ) bilang kinatawan ng Namamahalang Alkalde). Hawak ng Partido Sosyo-demokratiko (SPD) at Ang Kaliwa (Die Linke) ang pamahalaang lungsod pagkatapos ng halalan ng estado noong 2001 , na nanalo ng isa pang termino sa halalan ng estado noong 2006 .[ 2] Ang halalan ng estado noong 2011 ay lumikha ng isang koalisyon ng Partido Sosyo-demokratiko at ng Unyong Kristiyano-demokratiko .
Mga sanggunian
Pamahalaan Coat of arms of Berlin Lipunan Iba pang usapan