Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago.
Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin.
Pokémon Platinum Version (ポケットモンスタープラチナ,Poketto Monsutā Purachina, "Pocket Monsters: Platina") ay ikatlong laro ng Pokémon sa ikaapat na henerasyon. Ito ay nilikha ng Game Freak at inilathala naman ng Nintendo para sa konsolang Nintendo DS. Ito ay pinahusay na muling paggawa ng Pokémon Diamond and Pearl. Ang mga larong ito ay unang nakita noong 11 Mayo 2008 sa magasin ni CoroCoro na ibinuking sa Internet. Ang larong ito ay isang role-playing game na inilabas sa Hapon noong 13 Setyembre 2008, 22 Marso 2009 sa Hilagang Amerika, 14 Mayo 2009 sa Australya at 22 Mayo 2009 naman sa Europa.
Mga Pagbabago mula sa Diamond at Pearl
Si Lucas, Dawn at si Barry ay nagbago ang kanilang mga suot dahilan nang pagbago ng temperatura ng Rehiyon ng Sinnoh.
Ang Pokétch ay muling idinisenyo. Ang manlalaro ay pinapayagan na pabalikin at pasulong ang mga apps sa halip na papasulungin muna ang lahat ng mga apps para makabalik sa isa pang apps katulad sa Pokémon Diamond at Pearl.
Iba sa mga move ay muling naidesenyo ang kanilang mga animasyon katulad ng move na Razor Leaf at Spacial Rend.
Dito ang mga Gym Leader, si Barry at iba pang mga tagasanay ang kanilang mga trainer sprites ay animadong gumagalaw na.
Iba sa mga tagasanay ay gumagamit na ng mga Seals.
Kapag ang manlalaro ay nagsimulang kalabanin ang Pokémon na si Giratina sa Distortion World, sa halip na sabihin ng laro na "A wild Giratina appeared!", ipinapakita nito "The Distortion World's GIRATINA appeared!".
Ang Battle Menu ay muling idinisenyo.
Ang manlalaro ay matatagpuan si Propesor Rowan pati ang kanyang assistant at makukuha ng manlalaro ang kanyang Pokémon sa Route 201.
Parehong magpapakita si Dialga at si Palkia sa Spear Pillar, ganun din si Giratina sa harapan ni Cyrus.
Ang Bayan ng Twinleaf at ang katabing ruta ay meron ng mga niyebe.
Ang manlalaro ay pwede nang pagpalitin ang anyo ni Shaymin mula sa Land Form ay pwede na itong gawing Sky Form.
Mga Katangian
Pokétch
Ang Pokémon Watch (ポケモンウォッチ Pokémon Watch) o mas kilala sa tawag na Pokétch (ポケッチ Pokétch) ay isang personal na kagamitan na ginawa ng The Pokétch Company para sa mga tagasanay ng Rehiyon ng Sinnoh, sa anyo na parang Relo na Touch Screen. Ito ay may iba't ibang mga apps at parang katulad lang ito ng C-Gear sa Rehiyon ng Unova. Sa laro makikita ito sa screen ng Nintendo DS sa ibaba habang ang manlalaro ay naglalakad sa buong paligid.
Pokémon Super Contest
Ang Pokémon Super Contest ay isang pinalawak na pormat ng Pokémon Contest para sa mga laro ng ikaapat na henerasyon, kasama na ang Diamond at Pearl at Platinum. Dito ang Pokémon ay ginagrado ang kanilang itsura at ang kanilang pagganap sa stage kaysa sa kanilang mga lakas. Iba ito sa mga nakaraang mga kompetisyon sa mga laro ng Pokémon. Sila ay dumadaan sa apat na rangkahan na may parehong mga kategorya: Cool, Beauty, Cute, Smart at Tough.
Mga Lokasyon sa Laro
Mga Bayan at Siyudad
Twinleaf Town
Sandgem Town
Jubilife City
Oreburgh City
Floaroma Town
Eterna City
Hearthome City
Solaceon Town
Veilstone City
Pastoria City
Celestic Town
Canalave City
Snowpoint City
Sunyshore City
Pokémon League
Fight Area
Survival Area
Resort Area
Paglabas
Unang inanunsyo ng Nintendo Japan ang Pokémon Platinum noong Mayo 15, 2008 bilang kasunod ng Pokémon Diamond and Pearl.[1] Ipinalabas din ito sa bansang Hapon noong Setyembre 13, 2008,[2] at inabot lang ng tatlong araw para makabenta ng isang milyong yunit. [3] Ipinalabas din ang laro sa Hilagang Amerika noong Marso 22, 2009,[4] sa Australya noong Mayo 14, 2009,[5] at sa Europa noong Mayo 22, 2009.[6]