Si Pocahontas (ipinanganak bilang Matoaka o Matoika noong humigit-kumulang sa 1595 — namatay noong 21 Marso 1617), na nakilala sa paglaon bilang Rebecca Rolfe, ay isang Indiyanong Amerikano na namuhay noong ika-17 daantaon. Katangi-tangi siya dahil sa pagpapanatili ng isang matapat na ugnayan sa pagitan ng mga Indiyano ng Tidewater, Virginia (na nakikilala noong kapanahunan ni Pocahontas bilang Tenakomakah) at mga kolonistang Ingles na nagtayo ng isang kuta at maliit na pamayanan sa Ilog James na tinawag na Jamestown noong 1607. Ayon sa alamat, sinagip niya ang buhay ni Kapitan John Smith nang papatayin na ito ng kaniyang amang pinuno ng mga Indiyano na si Emperador o Hepe Powhatan (na nakikilala rin bilang Wahunsunacock). Bukod sa kaniyang palayaw na Pocahontas, na ang ibig sabihin ay "maliit na walang habas" (maliit na walang pakundangan, ayon kay William Strachey) na dahil sa kaniyang pagiging likas na malikot noong bata pa, pormal din siyang nakikilala bilang Amonute.
Habang nagaganap ang isang digmaang pangkolonya laban sa mga Indiyano, nadakip si Pocahontas at kailangang tubusin bago palayain. Nabinyagan siya bilang Kristiyano sa pangalang Rebecca at napainam niya ang kaniyang kasanayan sa wikang Ingles habang isang bihag. Noong 1614, pinakasalan niya si John Rolfe, isang manananim ng tabako. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, na ang pangalan ay Thomas. Noong 1616, nagpunta ang mag-anak na Rolfe sa London. Si Pocahontas ay naging isang tanyag na tao noong huling taon ng kaniyang buhay. Namatay siya sa Gravesend at inilibing sa St George's Simba, Gravesend sa Kent Inglatera noong 21 Marso 1617.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.