Ang pisikang makakimika, pisikang kimikal, o pisikang pangkimika (Ingles: chemical physics) ay isang kabahaging disiplina o subdisiplina ng kimika at ng pisika na nag-iimbistiga ng mga kababalaghang pisyokimikal na gumagamit ng mga teknik mula sa pisikang pang-atomo, pangmolekula, optikal at pangmateryang kondensada. Ito ay isang sangay ng pisika na nag-aaral ng mga prosesong pangkimika mula sa punto ng pananaw ng larangan ng pisika. Habang nasa ugnayang-mukha ng pisika t kimika, ang pisikang makakimika ay kaiba mula sa kimikang makapisika dahil mas tumutuon ito sa mga pangkatangiang mga elemento at mga teoriya ng pisika. Samantala, ang kimikang makapisika ay nag-aaral naman ng kalikasang pisikal ng kimika. Gayunpaman, ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang larangang ito ay malabo, at ang mga manggagawa ay kadalasang nagsasagawa ng mga gawain sa bawat isang larangan habang nasa kurso ng kanilang mga pananaliksik.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.