Pinapatibayan ang kasunod

Pinapatibayan ang kasunod (Affirming the consequent). Isang uri ng baluktot na pangangatwiran (logical fallacy) sa anyo ng isang palagay na mungkahi (hypothetical proposition).

Nagkakamali ang "pinapatibayan ang kasunod" kapag ang isang palagay na mungkahi, na binubuo ng isang pambungad (antecedent) at kasunod (consequent), ay iginigiit ang katotohanan ng kasunod habang ipinapahiwatig naman ang katotohanan ng pambungad.

Maling pag-iisip ito dahil ipinapalagay ang pagiging-kambal ng dalawang palagay kahit na wala naman itong matibay na kaugnayan.

Ganito ang anyo ng maling pangangatwiran:

Kung P, ibig sabihin R.
R.
Kaya, P.

Tinatawag ang maling pangangatwirang ito na "pinapatibayan ang kasunod" dahil inaakala nitong maaaring bumuo ng katapusang pangungusap mula sa pangalawang palagay na pinapatibayan ang kasunod na palagay na nakabatay naman sa katotohanan ng pambungad na palagay. Isang paraan upang ipakita na di-tumpak ito ay sa pamamagitan ng isang kabaligtaran ng halimbawa. Narito ang pangangatwiran na kapansin-pansin ang kamalian:

Kung si Rizal ang nagsulat ng Bibliya (P), ibig sabihin, si Rizal ay magaling na manunulat (R).
Si Rizal ay magaling na manunulat (R).
Kaya, si Rizal ang nagsulat ng Bibliya (P).

Madaling mapansin ang pagiging di-tumpak ng halimbawa sa itaas, ngunit mas nakakalito ang susunod.

Kung ang sinuman ay tao (P), ibig sabihin, siya ay may katapusan (R).
Si Anna ay may katapusan (R).
Kaya, si Anna ay tao (P).

Ngunit, isang pusa si Anna; talagang may katapusan, ngunit hindi tao.

Datapuwat, tandaan din natin na tumpak ang katulad na pangngatwiran kung sinasabi ng pambungad na mungkahi na "kung at totoo lamang kung" sa halip na "kung" lamang.

Tingnan din

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.