Pilipinas News

Pilipinas News
Uri
DirektorBenedict Carlos
HostMga tagapagbalita tuwing sanlinggo
Paolo Bediones
Cherie Mercado
Jove Francisco
at Iba pa
Mga tagapagbalita tuwing dulo ng sanlinggo
Maricel Halili
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Bilang ng kabanatan/a (isinahimpapawid araw-araw)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapMike Carreon
Naomi Dayrit
Oras ng pagpapalabas30 minutes
KompanyaNews5
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanTV5
Picture formatNTSC (480i)
Audio formatStereo
Orihinal na pagsasapahimpapawid20 Pebrero 2012 (2012-02-20) –
18 Hulyo 2014 (2014-07-18)
Kronolohiya
Sumunod saAksyon JournalisMO
Sinundan ngAksyon Tonite
Kaugnay na palabasAksyon Weekend (bilang pambalitag palabas tuwing Sabado)

Ang Pilipinas News ay ang dating pangunahing palabas pambalita ng TV5 na isinahimpapawid tuwing hatinggabi. Ito ay pinangunahan nina Paolo Bediones, Cherie Mercado, at Jove Francisco, at sabayang napapanood sa AksyonTV at napapakinggan sa 92.3 News FM sa Mega Manila. Isinahimpapawid ito tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 11:00 hanggang 11:30 ng gabi. Winakas ang pagsasahimpapawid nito noong 18 Hulyo 2014 at pinalitan ng pinakahuli sa apat na mga edisyon ng Aksyon Tonite, na nagkataong tumanda sa pagbabalik ng tatak-"Aksyon" na panghatinggabi na pambalitang palabas na mula pa noong panahon ng Aksyon JournalisMO.

Edisyong sanlinggo

Sina Cherie Mercado at Jove Francisco ay mga unang tagapagbalita ng Pilipinas News noong 25 Oktubre 2010, Cherie Mercado and Jove Franciso are the earliest anchors. Sumama naman si Paolo Bediones sa palabas pambalita noong 21 Pebrero 2011.

Huling isinahimpapawid ang Pilipinas News noong 18 Hulyo 2014 at pinalitan ng Aksyon Tonite, ang pinakahuli sa apat na mga edisyon ng Aksyon na ipinalabas noong Hulyo 21.

Edisyong dulo ng sanlinggo

Panahong Templo-Halili

Isinahimpapawid ang Pilipinas News Weekend tuwing Sabado at Linggo mula 11:45 ng gabi hanggang 12:15 ng madaling-araw, at pinangunahan ni Maricel Halili. Kasama sina Atty. Mike Templo at Jove Francisco, si Halili ay isa sa pinakaunang mga tagapagbalita ng estasyon mula noong 2010. Sumama si Templo sa Pilipinas News Weekend noong Agosto 2012.

Panahong Alampay-Halili

Noong Oktubre 2012, sumama sa palabas pambalita si Roby Alampay, punong-patnugot ng Interaksyon. Pinalitan niya si Templo. Nasa bakasyon si Alampay mula noong Pebrero 2014.

Panahong Halili

Naging solong tagapagbalita ng Pilipinas News Weekend si Maricel Halili, hanggang sa pagwawakas nito kasabay ng pagwawakas ng edisyong sanlinggo ng Pilipinas News.

Mga naging tagapagbalita

Edisyong sanlinggo

Edisyong Sabado at Linggo

  • Maricel Halili (2012–2014, humalili rin kay Mercado)

Mga dating tagapagbalita

  • Atty. Mike Templo (Agosto–Oktubre 2012)
  • Roby Alampay (Oktubre 2012–Pebrero 2014)
  • Amelyn Veloso (2012-2013, humalili kay Mercado)
  • Martin Andanar (2013-2014, humalili kay Bediones)

Tingnan din