Philip Rivers

Philip Rivers
Kapanganakan8 Disyembre 1981
  • (Morgan County, Alabama, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposPampamahalaang Unibersidad ng Hilagang Carolina
Trabahomanlalaro ng Amerikanong putbol

Si Philip Rivers (ipinanganak noong 8 Disyembre 1981 sa Decatur, Alabama) ay isang Amerikanong manlalaro ng football na may posisyong Quarterback para sa koponan ng San Diego Chargers na miyembro ng National Football League. Siya ay may tangkad na 6 na talampakan at 5 pulgada at may timbang na 228 libras. Siya ay nanggaling sa Athens High School. Siya ay pinili ng New York Giants sa pang-apat na overall pick noong 2004 NFL Draft. Subalit, sa araw mismo ng draft ay nai-trade si Rivers pati na rin ang una at ika-limang round picks ng Giants sa Chargers para sa 2005 NFL Draft kapalit ni Eli Manning. Siya ay naglalaro ng college football sa North Carolina State.

Unang taon

Noong si Rivers ay nasa kindergarten, siya ay nagrabaho bilang isang waterboy sa Decatur High School sa Decatur, Alabama kung saan ang kanyang ama ang head coach ng football team. Bilang isang proyekto noong siya ay nasa ika-5 baitang, siya ay gumawa ng isang poster na nagpapakita ng kanyang pangarap at mithiin kung saan idinikit niya ang kanyang litrato sa ibabaw ng mukha ng isang manlalaro ng Minnesota Vikings na naging cover ng Sports Illustrated. Siya ay may suot na jersey na may bilang 17 bilang pagbigay galang sa kanyang ama na si Steve na nagsuot ng parehong numer noong siya ay nasa high school. Suot ito ni Rivers simula ng ika-9 na baitang at ito ay iniretiro bago ang kanyang huling laro sa North Carolina State. Nais sumunod sa kanyang yapak ng kanyang nakababatang kapatid na si Stephen Rivers. Siya ang quarterback ng Austin High School Black Bears.

Si Rivers ay nag-aral sa Athens High School sa Athens, Alabama at isang football star

at mabuting estudyante. Siya ang starting quarterback at bilang isang senior nakumpleto niya ang 109 mula sa 195 passes (55.9 completion percentage) at tinaguriang Alabama Player of the Year. Siya ay isa ring magaling na estudyante at nagtapos na mayroong 3.7 grade point average.

Karera noong kolehiyo

Pagkatapos ng high school, si Rivers ay nag-aral sa North Carolina State University in Raleigh, North Carolina kung saan siya ay naglaro para sa coach na si Chuck Amato. Noong siya ay nasa kolehiyo, halos burahin niya ang mga passing record ng NC State at Atlantic Coast Conference. Si Rivers ay kilalang maasahang starting quarterback ng Wolfpack sa loob ng apat na taon. At sa loob ng apat na taon, apat na beses ding naglaro ang Wolfpack sa bowl games sa pamumuno ni Rivers kung saan tatlo ang kanilang naipanalo kabilang na ang New Year’s Day victory laban sa Fighting Irish ng Notre Dame sa 2002 Gator Bowl.

Si Rivers ay pinangalanan na ACC Athlete of the Year noong 2004 at MVP ng apat na bowl games, 2 sa Tangerine Bowls, 1 sa Gator Bowl at ang 2004 Senior Bowl. Si Rivers ay pinangalanan din na “Offensive MVP” para sa NC State kahit na sila ay natalo sa Pittsburgh sa 2001 Tangerine Bowl. Siya ay ikinonsidera na kandidato ng Heisman ng ilang journalists ngunit hindi siya inimbita sa presentasyon ng Heisman Trophy. Si Jason White ng Oklahoma ang siyang nanalo ng award.

Karera sa NFL

2004 NFL Draft

Matapos ang makapigil-hininga na senior season sa North Carolina State at pag-asam sa Heisman trophy noong 2004, si Rivers ay inasahan na mid-to-late first round pick sa 2004 NFL Draft. Siya rin ay ikinonsidera na second o third best quarterback sa NFL draft kasunod kay Eli Manning at Ben Roethlisberger. Sa kabila ng tagumpay ni Rivers sa kolehiyo at kahusayan sa accuracy (72 porsiyento sa kabuuan ng kanyang senior season) ang katanungan tungkol sa kanyang kakulangan sa lakas ng bisig at sa kanyang unorthodox side-arm throwing motion ay naglagay sa kanya sa likod ni Manning at Roethlisberger sa halos lahat ng boards ng NFL Draft. Sa pre-draft consensus ay pipiliin siya ng Pittsburgh Steelers kasama ng 11th pick. Kinuha ng Chargers si Eli Manning at gusto nito na kasama ang first round pick na siya ring unang overall pick ng draft Subalit, matapos na ipahiwatig ni Ely Manning bago ang pagpili na hindi sya lalagda sa San Diego Chargers, napilitan ang Chargers na mag adjsust ng kanilang plano. Si Rivers ang kanilang alternatibo kay Manning dahil ang head coach noon ng Chargers na si Marty Schottenheimer ay naging coach ni Rivers sa Senior Bowl at nagustuhan niya ang ipinamalas na laro ni Rivers. Pumayag ang Chargers sa trade sa araw ng draft sa pagitan ng New York Giants na siyang nagtataglay ng fourth pick ng Giants at ang kanyang draft rights ay ipinalit sa Chargers kasama ang kanilang first round pick sa taong 2005 (na siyang ginamit ng San Diego upang mapili si Shawne Merriman), ang pangatlong round pick ng 2004 na si Nate Kaeding at ang panglimang round pick ng 2005 (ipinalit sa Tampa Bay para sa Super Bowl Wining Left Tackle na si Roman Oben) para sa draft rights kay Eli Manning na siyang pinili ng Chargers para sa kanilang first pick. Naniniwala naman ang mga bihasa sa drafts na karapat dapat na pinili ng Chargers si Ben Roethlisberger kaysa kay Rivers. Ang naging resulta ng palitan ay ang pangalanan si Merriman bilang Defensive Rookie of the Year ng taong 2005 at mapangalanan sa Pro Bowl ng 2005. Karagdagan sa pagkapili ni Merriman sa Pro Bowl selection noong 2005, si Rivers, Merriman at Kaeding ay nakapasok sa Pro Bowl ng NFL samantalang si Manning ay hindi pa nakakakuha ng Pro Bowl selection.

San Diego Chargers

2004-2005

Noong Agosto taong 2004, matapos ang kanyang pagkapalit mula sa Giants, si Rivers ay lumagda ng $40.5 milyong kontrata sa San Diego Chargers na kasama ang $14.5 milyon na mga signing bonus. Subalit dahil sa palugit na kontrata sa San Diego Chargers, si Rivers ay nakapag report lamang sa huling linggo ng pagsasanay. Ang resulta, binigyan ng Chargers ng pagkakataon ang kasalukuyang quarterback na si Drew Brees na manatili sa kanyang starting job sa panimula ng season. Dahil sa kawalan ng pagsasanay, hindi nagawa ni Rivers na makuha ang starting position kay Drew Brees sa 2004 season. Nagsimula si Rivers sa Chargers bilang pangatlong pagpipilian na huli kay Doug Flutie ngunit nauuna sa pang-apat na Quarterback na si Cleo Lemon. Sa kasamaang palad para kay Rivers, nagpakita ng mahusay na laro si Brees sa koponan. Sa pagtatapos ng season, si Drew Brees ay napangalanan sa NFL Pro Bowl at nanalo din siya ng NFL Comeback Player of the Year Award. Tumanggap ng napakaigsing playing time si Rivers sa 2004 season. Sa katunayan ay nakapaglaro lamang siya ng dalawang beses. Nakapagtala lamang siya ng passes sa second half sa huling laro ng 2004 season (panalo laban sa Kansas City) na kung saan ang Chargers ay nakapagtala na ng home playoff spot sa titulo ng AFC West Division

May mga ispekulasyon kung si Rivers ay mananatili sa koponan at kung may pagkakataon siya na malagpasan si Brees. Subalit nanatili si Rivers sa koponan at umakyat siya sa pangalawang posisyon ng quarterback matapos na pawalan ng Chargers si Doug Flutie na pumirma di malaunan sa New England Patriots.

Hindi nagawang talunin ni Rivers si Drew para sa starting quarterback na posisyon sa Chargers sa training camp nong 2005 kung kaya’t nanatili siyang back-up sa regular season. Noong final game ng Chargers sa 2005 season na ginanap sa Qualcomm Stadium, si Rivers ay pumasok sa laro nung patapos na ang pangalawang quarter matapos na mapinsala ang balikat ni Brees dahil sa pagkalihis ng buto nito sa kanang balikat dahil sa tama ng manlalaro ng Denver Broncos na si John Lynch. Nakumpleto ni Rivers ang 12 sa 22 passing attempts sa 115 yards na may isang harang at dalawang pagkakamali. Natalo ang Chargers sa Denver, 20-7. Ngunit pinangunahan ni Rivers ang Chargers sa natatangi nitong pagpuntos na nagtapos sa 4 –yard TD na isinagawa ni LaDainian Tomlinson.

2006

Pagkatapos ng 2005 season, si Drew Brees ay hindi pinalagda (marahil dahil sa pinsala na tinamo nito sa laban nila sa Denver) ng Chargers, sa halip ay lumagda ito sa isang malaking kontrata na may kalakip na malaking halaga sa New Orleans Saints noong 2006. Marami ang nagduda sa naging desisyon ng Chargers na magpalit ng quarterbacks dahil sa sila ay contender sa Super Bowl at sa paniniwala na ang kawalan ni Rivers ng karanasan ay magiging sagabal sa koponan. Si Rivers ay siyang naging starter ng Chargers sa training camp. Mataas ang inaasahan kay Rivers dahil sa malaking kakayahan ng San Diego Chargers sa opensa at sa ipinamalas ng kanyang mga kasamahan mula sa 2004 draft tulad nila Eli Manning at Ben Roethlisberger bilang mga starters.

Ang mga football outsiders ay nagpalagay na si Rivers ay magiging star ng NFL bago ang taong 2006 dahil na rin sa kanyang impresibong completion percentage sa kolehiyo (72% bilang isang senior). Matapos lamang ang 5 laro sa NFL bilang starter si Rivers ay

pinangalanan na pangalawa sa pinakamahusay na quarterback ng NFL sa ilalim ng 25 taon pababa ng Sports Illustrated at nagdulot ng comparison kay Dan Maraino dahil sa kanyang mabilis na bitaw at pocket presence.

Noong 11 Setyembre 2006, nagkaroon ng pagkakataon si Rivers sa kanyang unang start sa pro football laban sa Oakland Raiders. Nagawa ni Rivers na makapaglaro ng mahusay sa kabila ng labing-isang passing lamang ngunit nakakumpleto naman ng 8 passes gayundin ng isang TD sa 27-0 paghahasik ng Raiders. Pagkatapos ng kanyang unang laro, nanguna si Rivers sa rating ng quarterback na may 133.9 sa NFL.

Sa ika limang lingo ng season, ang pangkasalukuyang kampeyon ng Super Bowl na Pittsburgh Steelers ay dumating sa bayan at ang depensa ni Bill Cowher ay umikot kung paano pipigilan si Ladainian Tomlinson. Ang larong ito ay nagsilbing daan kay Rivers upang mapangunahan ang kanyang koponan sa tulong ng head coach na si Marty Schottenheimer sa come-from-behind na panalo, throwing 24 sa 37 para sa 242 yards at dalawang TD na nagpanalo sa kanila 23-13. Ito ang paboritong “Rivers Moment” ni LT noong 2006 at sinabi pa niya na “Ito ay isang simpleng katotohananan na hindi namin kayang itakbo ang bola at kailangan niyan ipanalo ang laban para sa amin, at nagawa niya ito.”

Noong 12 Nobyembre 2006, nagtala si Rivers ng kanyang pinakamahusay na laro sa loob lamang ng maigsing paglalaro at pangunahan ang San Diego Chargers sa isang imposibleng comeback laban sa Cincinnati Bengals. Nakapagtala si Rivers ng pukol para sa 337 yards at tatlong touchdown passes samantalang si LaDainian Tomlinson ay pumuntos ng tatlo sa apat nitong rushing touchdowns. Nilamangan ng San Diego ang Cincinnati 42-13 sa second half hanggang sa tuluyan na silang nanalo 49-41 na nagtala ng pinakamalaking pagbabalik ng Chargers sa loob ng 23 taon.

Nang sumunod na linggo laban sa ipinapalagay na malakas na depensa ng Denver Bronco, nanaig ang Chargers at sila ay ang unang koponan sa kasaysayan na manalo ng back-to-back matapos na maghabol sa 17 o higit pang puntos at gayundin, unang koponan na manalo ng apat na sunod na laro. Pinangunahan din ni Rivers ang ilang 4th quarter na quarterback rating. Dahil sa mahusay niyang ipinakita sa kanyang mga laro, si Rivers ay napili para sa 2007 Pro Bowl. Matapos ang 14-2 season, ang Chargers ay nakahandang makipaglaro sa New England Patriots para sa divisional round ng playoffs kung saan ang Chargers ay tinalo ng Patriots sa score na 24-21.

Personal

Pinakasalan ni Rivers ang kanyang kasintahan sa mahabang panaho na si Tiffany pagkatapos magkasama ng isang taon sa N.C. State. Ngayon sila ay may 3 anak na babae, sila Halle, Caroline and Grace.

Ang kanyang pangalan ay kinuha mula kay Phillip ng 12 Apostles.

Siya ay lumabas sa palabas sa telebisyon ng EWTN na may titulong “Life on the Rock.”