Peter the Great St. Petersburg Polytechnic University
Ang Peter the Great St. Petersburg Polytechnic University, dinadaglat bilang SPbPU, ay isang pangunahing pamantasang teknikal sa Rusya na matatagpuan sa Saint Petersburg. Ang unibersidad ay itinuturing na isa sa nangungunang pasilidad sa pananaliksik sa Rusya at Commonwealth of Independent States (CIS) at isang nangungunang edukasyonal na pasilidad sa larangan ng aplikadong pisika at matematika, inhenyeriyang industriyal, inhenyeriyang kemikal, inhenyeriyang aerospayo at maraming iba pang akademikong disiplina. Ang mga nagtapos sa unibersidad ay kinabibialngan ng nagwagi ng Nobel Prize na si Pyotr Kapitsa, isang pisiko.