Ang per capita ay isang pariralang Latin na nangangahulugan ng ukol sa isang ulo na ang per ay nangangahulugang 'pamamagitan' ...at...capita (sg.: caput) na nangangahulugan na 'ulo'. Ang dalawang salitang ito ay tumutumbas sa pariralang para sa bawat ulo. Ito ay kadalasang ginagamit sa larangan ng estadistika upang malaman ang average o pangkaraniwang bilang ng antas o katangian ng bawat tao para sa kahit anong dahilan, gaya ng kita, taas ng krimen at iba pa.