Penélope Cruz

Penélope Cruz
Si Penélope Cruz noong 2008.
Kapanganakan
Penélope Cruz Sánchez

(1974-04-28) 28 Abril 1974 (edad 50)
TrabahoAktres
Aktibong taon1990–kasalukuyan

Si Penélope Cruz Sánchez (ipinanganak noong Abril 28, 1974), mas kilala bilang Penélope Cruz, ay isang Kastilang aktres. Nakapangalap siya ng katanyagan bilang isang kabataang aktres para sa mga pelikulang katulad ng Jamón, Jamón, La Niña de tus ojos, at Belle époque. Naging bidang bituin din siya sa ilang mga pelikulang Amerikanong kagaya ng Blow, Vanilla Sky, at Vicky Cristina Barcelona. Higit na nakilala siya dahil sa kanyang gawaing pampelikulang kaisa ang Kastilang direktor na si Pedro Almodóvar, sa Broken Embraces, Volver at All About My Mother.

Naparangalan si Cruz ng tatlong Parangal na Goya, dalawang mga Gantimpalang Europeong Pelikula, at Gantimpalang Pinakamahusay na Aktres sa Kapistahang Pampelikula ng Cannes ng 2006. Noong 2009, nagwagi siya ng isang Parangal ng Akademya para sa Pangalawang Bidang Aktres, isang Goya, at isang BAFTA para sa kanyang ginampanan sa Vicky Cristina Barcelona. Siya ang pinakaunang babae mula sa Espanya na nagwagi ng Oscar at naging ikalawang Kastilang nanalo ng isang Oscar. Si Javier Bardem ang una.[1][2]

Mga sanggunian

ArtistaEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.