Ang mga penguino o pinguino, binabaybay ding pengguino o pingguino, ay mga ibong-dagat. Binubuo nila ang pamilyang Spheniscidae, ang nag-iisang pamilya sa ordeng Sphenisciformes. Namumuhay ang mga penguino sa katimugang hati ng mundo na binubuo ng Antartika, Bagong Selanda, katimugan ng Australya, Timog Aprika at Timog Amerika.