Si Pedro Gatmaitan ay isang makata ng mga tulang liriko. Siya ay may isang katípúnan ng kanyang mga tula na pinamagatang Tungkos ng Alaala na nalimbag noong taóng 1912. Siya ang unang nakásúlat ng tulang pasalaysay na Kasal.
Ang pagiging makata ni Gatmaitan ay minana niya sa kanyang ama na isang makatang taga-Bulacan. Sa kanyang ama niya natutuhan ang tungkol sa berso.
Si Gatmaitan ang unang gumamit ng lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig sa panuluan.
Bukod sa pagiging makata ay naging mamamahayag, tagaulat, at patnugot din si Gatmaitan ng babasahíng Alitaptap.