Si Fox ay pinanganak sa Preston at pinalaki sa Box Hill na lugar ng Melbourne at nag-aral sa mga paaralang pinamamahalaan ng Congregation of Our Lady of Sion.[3] Noong 1969, sumali siya sa kongregasyon. Sinabi niya na nahimok siyang maglingkod sa mga mahihirap sa Pilipinas nang makilala niya ang isang Pilipinang Franciscanang Misyonera ni Maria noong 1970s sa Herusalem. Isinalaysay ng misyonero ang mga pakikibaka ng mga marhinalisadong sektor sa Pilipinas at kung paano sila bumangon at nagprotesta laban sa diktadurang Marcos. Nagbigay daan ito para kay Fox na magkaroon ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasanay sateolohiya ng pagpapalaya.[4]
Noong dekada '80 nag-aral si Fox sa paaralang pambatas, at nagsimulang tumulong sa mga legal aid center.[5] Nagkaroon siya ng pagkakataong pumunta sa Pilipinas noong 1984, kung saan nakita niyang "walang pagkakaiba sa pagitan ng simbahan at kilusan para sa hustisya" na lubos na nagbigay inspirasyon sa kaniya.[4]
Bokasyon
Lumipat si Fox sa Pilipinas noong 1990, kung saan kasama niyang itinatag ang Congregation of Our Lady of Sion. Siya ay nanirahan sa bansa sa loob ng dalawampu't pitong taon, at nagsilbi bilang ina na superior ng kongregasyon.[4] Nag-aalala si Fox para sa kapakanan ng mga magsasaka at maralita sa lunsod. Sinabi pa niya na, "Ang tungkulin ng mga relihiyoso ay makiisa roon sa mga pinahihirapan, inuusig, maging isa sa mga naggigiit ng kanilang mga karapatan." [1] Sumali siya sa Rural Missionaries of the Philippines noong 1991, naging Regional Coordinator para sa Gitnang Luzon noong 1998, pagkatapos ay naging National Coordinator mula 2000 hanggang sa kanyang pag-alis sa Pilipinas.[2] Lumahok siya sa mga rally, lumaban laban sa mapanirang mga kasanayan sa pagmimina, pati na rin ang pagbisita sa mga kampo ng pulisya at militar sa paghahanap ng mga nakakulong.
Mga gawain sa politika
Inaresto sa kaniyang kumbento sa Lungsod Quezon, si Fox ay idinitene ng gobyerno ng Pilipinas noong Abril 16, 2018 para sa pagtatanong tungkol sa kaniyang pakikisangkot sa mga aktibidad sa pulitika, kabilang ang pagsali sa mga rally, pagbisita sa mga bilanggong politikal, at pagpuna sa mga patakaran ng gobyerno.[3] Ang imbestigasyon ay sinimulan matapos siyang sumali sa isang fact-finding mission sa Mindanao kaugnay ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng batas militar. Buhat sa kaniyang mga gawain, siya ay pinag-initan at tinuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.[1]
Pagkatapos ay pinalaya siya at bumalik sa kanyang kumbento, kahit na pinigil ng Kawanihan ng Imigrasyon ang kaniyang pasaporte bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon. Idiniin niya na sumali siya sa mga rally bilang pakikiisa ng mga magsasaka, ngunit hindi sa mga rally na 'anti-gobyerno'.[6] Dumalo siya sa mga pangyayari, kabilang ang mga misa sa Pamantasang Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas Diliman na nagbasbas para sa kaniyang kaligtasan at para sa kaniyang pananatili sa bansa.
Si Fox ay umalis ng bansa noong Nobyembre 2018,[8] sinabing naging madumi ang galawan ng Kawanihan, sa pamamagitan ng paghihintay hanggang sa huling minuto sa pamamagitan ng pag-isyu ng isang atas ng deportation noong Oktubre 31, 4pm, na sinabi sa kaniya na siya ay malapit nang i-deport sa Nobyembre 3, isang petsa na sumunod sa dalawang pampublikong pistang opisyal o holiday. Sinabi niya na "wala siyang pagpipilian kundi umalis." Sinabi niya na umalis siya ng bansa "sa pagkabigla" pagkatapos gumugol ng maraming taon sa buhay at pakikibaka ng mga urbano at rural na maralita sa Pilipinas.[3]
Siya ay kasalukuyang nakatira sa Kew, Melbourne, sa kumbento ng Mahal na Ina ng Sion.[9] Upang umangkop sa pagbabago mula sa pamumuhay kasama ng mga mahihirap sa Pilipinas, naglilibot siya sa Australia tulad ng sa Perth, Sidney, at Brisbane, upang ikuwento ang mga karanasan ng mga marhinalisadong sektor sa Pilipinas. Naging aktibo din siya sa pagkukuwento sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga online fora.[3] Pinuna niya ang mga kumpanya ng pagmimina ng Australia tulad ng OceanaGold sa mapanirang mga gawi sa pagmimina na nagpapaalis sa mga katutubo at gumagawa ng mga paglabag sa karapatang pantao.[10]