Ang Pastinaca sativa o parsnip (Ingles: parsnip) na kabilang sa mga pastinaka, ay isang uri ng gulay na ugat na kamag-anakan ng mga karot. Kahawig ng mga parsnip ang mga karot, subalit mas maputla ang kulay kaysa sa karamihan sa mga karot, at mayroong mas matamis na lasa, lalo na kapag niluto.[2] Ang malangis o mamantikilya, may bahagyang anghang, at matamis na lasa ng nalutong nasa gulang na mga parsnip (na inaani pagkaraan ng unang hamog na nagyelo o namuo sa panahon ng taglamig) ay nakapagpapagunita ng butterscotch, pulut-pukyutan, at mapitagang kardamon (kardamom). Katulad ng mga karot, katutubo ang mga parsnip sa Eurasya at kinakain na roon magmula pa noong sinaunang mga kapanahunan. Ayon kina Zohary at Hopf, ang katibayang pang-arkeolohiya para sa paglilinang ng parsnip ay mayroon pa ring limitasyon, at na ang mga napagkunang panitikang Griyego at Romano ay ang isang pangunahing pinanggalingan hinggil sa maagang paggamit nito, subalit nagbabala sila na mayroong kahirapan sa pagkilala ng pagkakaiba sa pagitan ng parsnip at ng karot (na noong panahon ng sinaunang mga Romano ay kulay puti o ube) sa loob ng mga sulating pangklasiko dahil ang mga gulay na ito ay kapwa tila paminsan-minsang tinatawag na pastinaca bagaman ang bawat isang gulay ay mukhang maigi na ang paglilinang noong mga kapanahunan ng sinaunang mga Romano.[3] Bilang pastinache comuni, ang "karaniwang" pastinaca, ay kabilang sa mahabang tala ng mga pagkaing kinasisiyahan ng mga Milanes na ibinigay ni Bonvesin de la Riva sa kanyang "Marvels of Milan" ("Mga Kamangha-mangha sa Milan") (1288).[4]