Ang tukso o panunukso ay ang pagsubok sa isang tao upang gumawa ng isang kamalian, katulad ng maling gawain o kasalanan.[1] Katumbas ito ng mga salitang tuksuhin, tentasyon, pagbuyo, ibuyo o buyuhin, pag-ulok, lamuyot, paglulong, pag-akit o akitin, rahuyo o rahuyuin, hibuin, pilitin o mapilitan at magtulak o itulak sa isang masamang gawain.[2]
Sa ibang kahulugan, ang panunukso ay isang pagnanais na makisali sa mga panandaliang simbuyo para sa kasiyahan na binabantaan ang mga pangmatagalang layunin.[3] Sa konteksto ng ilang relihiyon, ang tukso ay ang pagkahilig sa kasalanan. Inilalarawan din ng tukso ang paghikayat o pag-uudyok sa isang tao na gawin ang ganoong gawain, sa pamamagitan ng pagmamanipula o kung hindi man ng pag-usisa, pagnanais o takot na mawala ang isang bagay na mahalaga sa isang tao.
Sa konteksto ng pagpipigil sa sarili at pagsaid ng ego o pagkamakaako, inilalarawan ang tukso bilang isang agaran, kasiya-siyang pagnanasa at/o pagiging mapusok na nakakagambala sa kakayahan ng isang indibiduwal na maghintay para sa mga pangmatagalang layunin, kung saan umaasa na makamit ng indibiduwal na iyon.[3]
Paggamit sa relihiyon
Isinulat ni Vanchai Ariyabuddhiphongs, isang propesor sa Unibersidad ng Bangkok, ang isang artikulo sa pananaliksik tungkol sa motibasyon at mapanghikayat na mga negatibong epekto ng gayong mga tukso tulad ng salapi, na maaaring magtulak sa isang tao na balewalain ang mga paniniwala sa relihiyon maging ito man ay Budismo, Kristiyanismo atbp. Sinabi niya na kapag nabigyan tayo ng pagkakataon sa malaking halaga ng pera, mas malaki ang tiyansang manakit, magnakaw, makibahagi sa sekswal na maling pag-uugali, o mag-abuso sa mga sangkap. Ang ideyang ito ng pera bilang isang negatibong taktika sa panghihikayat patungkol sa mga relihiyong nabanggit sa itaas, ay napatunayang sikolohikal na nakakaapekto sa ating kakayahan sa pag-iisip na gumawa ng mga desisyon. Tinalakay lamang ni Vanchai sa artikulo ang mga kasanayan sa Budismo subalit pinaniniwalaan na maaari itong palawakin sa lahat ng mga paniniwala. Maaaring tukuyin ng ating mga paniniwala sa relihiyon kung sino tayo bilang mga espirituwal na tao, subalit inilarawan ng artikulong ito kung paano maaaring itulak palayo ng isang panlabas na bagay ang mga kaisipang iyon at tumingin upang makinabang tayo sa paraang maaaring kabilangan ng pagwawalang-bahala sa relihiyon.[4]
Sa tradisyon ng Simbahang Ortodokso ng Silangan, nahahati ang tukso sa 6 na natatanging mga hakbang o yugto: probokasyon, panandaliang kaguluhan ng pag-iisip, pagsasama, pagsang-ayon, preposesyon, at pagkahumaling.[5]
Hindi relihiyosong paggamit
Karaniwang ginagamit ang tukso sa isang maluwag na kahulugan upang ilarawan ang mga aksyon na nagpapahiwatig ng kawalan ng pagpipigil sa sarili. Ang tukso ay isang bagay na umaakit, nakakaganyak, at pag-seduksyon sa isang tao. Nanganganib ang matagumpay na pagpupunyagi ng aktibidad na hinihimok ng layunin sa pamamagitan ng mapanuksong kalikasan ng kagyat na kasiyahan [3] Maaari ding humantong ang pagkahibang sa tukso dahil maaaring gumawa ang isang tao ng isang bagay para sa pag-ibig sa kabila ng mas mahusay paghusga ng isang tao.
Sa pagpapatalastas, isang tema ang tukso na karaniwan sa maraming mga diskarte sa pamimili o marketing at pagpapatalastas na ginagamit upang gawing mas kaakit-akit ang mga produkto.
Paglaban sa tukso
Ang pagpipigil sa sarili ay karaniwang ginagamit ng isang indibiduwal upang labanan ang tukso. Sinaad ni BF Skinner ng 9 na pamamaraan para makamit ito.[6] Itinuturing ang pagpipigil sa sarili ng ilan bilang isang limitadong yaman, na nauubos habang gingamit.[7][3] Naniniwala ang ilan naniniwala na maaaring mapunan ang pagpipigil sa sarili at sa gayon, maaaring madaig ang mga agarang epekto ng naubos na pagpipigil sa sarili ng isang indibiduwal, at na dapat matukoy ng isang indibiduwal ang pagkakaroon ng isang tukso (ibig sabihin, panandaliang pagnanais) bago maaaring makaapekto pagpipigil ng sarili sa isang resulta.[3]
↑The Committee on Bible Translation (1984). "Tempt". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B12. (sa Ingles)