Ang panitikang Kastila ay ang panitikan sa Espanya o panitikan na nakasulat sa wikang Kastila (tinatawag ding Kastilyano, Kastelyano, o Espanyol). Ang pinakamaagang nalalamang mga tekstong Kastila ay nagmula pa sa ika-12 daantaon, na binubuo ng mga panulaan ng mga minstrel at mga kuwentong makabayani na inaawit ng mga tagaganap na naglalakbay.[1] Para sa panitikan na nasa wikang Kastila sa Kaamerikahan, basahin ang panitikang Latino-Amerikano.
Makabagong panitikang Kastila
Kabilang sa mga batang manunulat na sumunod sa Salinlahi ng 1898 ay si Federico García Lorca, ang pinakamahusay sa mga may-akda noong kanyang kapanahunan, at siyang pinakakilala sa labas ng Espanya. Kabilang sa kanyang mga inakdaan ang mga sumusunod:[1]
Mga tula
- Romancero gitano (Gypsy Romances o Gypsy Ballads, "Mga Balada ng Hitano") (1928)
- Poema del cante jondo (Poem of Deep Song o Poem of the Cante Jondo, "Tula ng Malalim na Awitin"; naisulat noong 1921 ngunit nalathala lamang noong 1931)
- Poeta en Nueva York (Poet in New Yiork o "Makata sa Bagong Yok"; naisulat noong 1930, nalathala noong 1940)
Mga dula
- Bodas de sangre (Blood Wedding o "Kasal ng Dugo") (naisulat noong 1932, unang produksiyon noong1933)
- La casa de Bernarda Alba (The House of Bernarda Alba o "Ang Bahay ni Bernarda Alba", naisulat noong 1936, unang produksiyon noong 1945)
Kontemporaryong panitikang Kastila
Kabilang sa mga manunulat pagkaraan ng Digmaang Sibil ng Espanya (1936 hanggang 1939) sina Camilo José Cela (may-akda ng La Familia de Pascual Duarte o The Family of Pascual Duarte, "Ang Mag-anak ni Pascual Duarte", 1941; ng La Colmena o The Hive, "Ang Himbubuyog" o "Ang Bahay ng Pukyutan", 1951), ang nobelistang si Carmen Laforet (may-akda ng nobelang Nada o Nothing, "Wala", 1944), at ang mandudulang si Antonio Buero Vallejo.[1]
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.