Ang karakter na Panday ayon sa pagsasalarawan ni Fernando Poe Jr. sa ikatlong yugto ng unang serye ng mga pelikula noong dekada 1980. Ito rin ay isang selyo na nilabas ng Korporasyong Pangkoreo ng Pilipinas upang parangalan si Poe Jr. sa pagiging Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.
Mayroong isang balaraw na pinanday sa isang taeng-bituin na nagiging espada (o ibang uri nga sandata sa ibang bersyon) sa pamamagitan ng mahika; at mayroon din siyang pambihirang kakayahan sa espadahan.
Si Panday, na Flavio ang tunay na pangalan, ay isang kathang-isip na karakter sa komiks mula sa Pilipinas na nilikha nina Carlo J. Caparas (kuwento) at Steve Gan (guhit). Unang nailathala ang kanyang pakikipagsapalaran sa serye ng mga komiks na Ang Panday sa Pilipino Komiks noong huling bahagi ng dekada 1970. Pumasok at naging tanyag ang karakter sa popular na kultura sa Pilipinas nang lumabas ang unang pelikula batay sa karakter na Ang Panday noong 1980 at si Fernando Poe Jr. ang gumanap na Flavio at si Max Alvarado naman ang kontrabidang si Lizardo. Simula noon, nagkaroon ng tatlong karugtong na mga pelikula at nagkaroon din na mga pelikula at mga palabas sa telebisyon na maluwag na binatayan ang unang pelikula kabilang ang isang animisayong serye sa telebisyon.