Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin |
---|
Si Sto. Jerome sa isang pinintang larawan ni Domenico Ghirlandaio |
Ipinagdiriwang ng | mga komunidad ng tagasalin |
---|
Petsa | Setyembre 30 |
---|
Next time | May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator |
---|
Dalas | annual |
---|
Kaugnay sa | Teachers' Day |
---|
Ang Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin ay ipinapagdiriwang bawat taon tuwing ika-30 ng Setyembre sa araw ni kapistahan ni san Jeronimo, ang nagsalin sa Bibliya na itinuturing na patron ng mga tagasalin. Ang mga pagdiriwang ay itinataguyod ng FIT (ang Pandaigdigang Pederasyon ng mga Tagasalin) magsimula noong itinatag ito noong taóng 1953. Noong taóng 1991, inilunsad ng FIT ang idea ng isang opisyal na kinikilalang Pandaigdigang Araw ng Pagsasalin upang ipakita ang pagkakaisa ng pandaigdigang komunidad ng mga tagasalin sa pag-asang makilala pa lalo ang propesyon ng pagsasalin sa iba't ibang bansa (hindi lámang basta sa mga Kristiyanong bansa). Isa rin itong oportunidad upang ipagmalaki ang isang propesyon na lumalaki ang halaga sa panahon ng papaunlad na globalisasyon.