Ang pananakop ng mga Hapones sa Singapore ay nangyari sa pagitan ng 1942 at 1944 pagkatapos ng pagbagsak ng Singapore noong 15 Pebrero 1942. Sinakop ng mga puwersang militar ng Imperyo ng Hapon ang Singapore pagkatapos matalo ang magkakasamang Australian, British, Indian at Malayan garrison sa Labanan ng Singapore. Ang Singapore ay pingalanang Syonan-to (昭南島 Shōnan-tō) na nangangahulugang "Liwanag ng Timog". Ang Singapore ay opisyal na naibalik sa pamumunong British noong 12 Setyembre 1945 pagkatapos na pormal na lagdaan ang instrumentong pagsuko sa munisipyo.