Sa halos karamihan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Malaya, Hilagang Borneo (kalaunang Sabah), Labuan, at Sarawak ay nasa ilalim ng Hapon. Sinimulan ng Imperyo ng Hapon ang Digmaang Pasipiko sa pananakop nito ng Kota Bahru sa Kelantan noong 8 Disyembre 1941 noong alas 12:25, mga 90 minuto bago ang Pag-atake sa Pearl Harbor sa Hawaii noong alas 7:48 noong 7 Disyembre oras ng Hawaii o alas 1:48 noong 8 Disyembre oras ng Malaya. Pagkatapos ay kanilang sinakop ang isla ng Borneo noong gitnang Disyembre 1941 at lumapag sa kanlurang baybayin ng Miri sa Sarawak. Ang pananakop ay nakumpleto noong 23 Enero 1942 nang lumapag sila Balikpapan sa Dutch Borneo sa silangang baybayin. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon, ang mga 100,000 katao ay pinatay.