Ang Panabo National High School o Mataas na Paaralang Pambansa ay isang pampublikong paaralan sa lungsod ng Panabo na matatagpuan sa Brgy. Gredu. Isa ito sa mga paaralan na nangunguna sa larangan ng akademya at isports. may tatlong curriculum ang paaralang ito, ang SPA (Special Program in the Arts), RBEC (Revised-Basic Education Curriculum) at ang LRC (Learning Resource Center). Ang SPA ay binubuo ng mga estudyanteng magagaling sa larangan ng sining gaya ng pagsayaw, pag-awit, pag-arte at pagtugtog ng instrumento. Ang RBEC ay binubuo ng mga estudyanteng may iba't-iba at kakaibang kakayahan tulad ng welding, pananahi, pagguhit, sports at iba pa. At ang LRC na binubuo ng mga estudyanteng hinasa ang kakayahan sa larangan ng Matematika at Agham. Ang pansamatalang punongguro dito ay si G. Apolinario Macabulos habang ang presidente naman ng SSG (Supreme Student Government) ay si G. Sonny Carl Q. Revamonte. Mahigit 5,000 ka estudyante ang bumubuo dito.