Ang Pambansang Liwasan ng Killarney (Irlandes: Páirc Náisiúnta Chill Airne) ay ang unang pambansang parke sa Irlanda. Nilikha ito noong ibinigay ang Muckross Estate sa Irish Free State noong 1932. Simula noon, ang parke ay pinalawak at sumasaklaw sa higit sa 102.89 kilometro kwadrado (25,425 ektarya) ng iba't ibang ekolohiya, kabilang na ang Lawa ng Killarney, kagubatan na may mga robles o oak at yew, na may kahalagahan pang-internasyonal, [1] at mga taluktok ng bundok. [2] Nagtataglay ito ng nag-iisang kawan ng pulang usa sa Irlanda at sumasakop ang liwasan sa pinakamalawak na katutubong kagubatan na natitira sa Irlanda.[3] Ang parke ay mayroong mataas na halagang pang-ekolohikal dahil sa kalidad, pagkakaiba-iba, at lawak ng mga tirahan ng mga sari-saring mga species na ang ilan ay bihira . Ang parke ay itinalagang UNESCO Biosphere Reserve noong 1981. [4] Ang liwasan ay bahagi ng Espesyal na Lugar ng Konserbasyon (Inggles: Special Area of Conservation) at Espesyal na Pook ng Proteksyon (Inggles: Special Protection Area).
Paglikha ng liwasan
Binili ng Amerikanong si William Bowers Bourn ang Muckross Estate noong 1910 bilang regalo sa kasal ng kanyang anak na babae na si Maud kay Arthur Vincent.[5] Gumastos sila ng £110,000 para sa pagpapaganda ng ari-arian simula 1911 hanggang 1932. Gumawa sila dito ng Sunken Garden, Stream Garden, at hardin ng bato sa nakalitaw na bahagi ng limestone.[6]
Namatay si Maud Vincent noong 1929 dahil sa pneumonia.[6] Noong 1932 ay ibinigay ni Arthur Vincent at ng kanyang mga biyenan ang Muckross Estate sa Irish state bilang alaala kay Maud. Ang ari-arian na may sukat na 43.3 kilometro kwadrado (10,700 ektarya) estate ay pinangalanang Bourn Vincent Memorial Park. Nalikha ang pambansang liwasan noong isinabatas ng pamahalaan ng Irlanda ang Bourn Vincent Memorial Park Act noong 1932.
[7]
Lawa ng Killarney
Kabilang sa mga Lawa ng Killarney ay ang Lough Leane (ang ibabawang lawa), ang Lawa ng Muckross Lake (ang gitnang lawa), at ang Itaas na Lawa. Magkakaugnay ang mga lawang ito at sumasakop sa halos ikaapat na bahagi ng liwasan. Nagtatagpo ang mga lawa sa Meeting of the Waters na isang sikat na destinasyon ng mga turista.[8]
Mga sanggunian
↑Perrin, Philip M.; Daniel L. Kelly; Fraser J.G. Mitchell (1 December 2006). "Long-term deer exclusion in yew-wood and oakwood habitats in southwest Ireland: Natural regeneration and stand dynamics". Forest Ecology and Management. 236 (2–3): 356–367. doi:10.1016/j.foreco.2006.09.025.