Ang Pambansang Daan ng Baguio-Bua-Itogon (Ingles: Baguio-Bua-Itogon National Road), na tinatawag ding Pambansang Daan ng Baguio-Bua-Itogon-Dalupirip (Baguio-Bua-Itogon-Dalupirip National Road),[1] o sa mas-payak na ngalan nito na Daang Baguio-Bua-Itogon (Baguio-Bua-Itogon Road)[2]), ay isang pangunahing lansangan[2] sa hilagang Luzon sa Pilipinas, na dumadaan mula sa lungsod ng Baguio hanggang sa bayan ng Itogon sa lalawigan ng Benguet.[3] Nagsisilbi ito bilang mahalagang ruta para makadaan sa Itogon,[3][4], lalong-lalo na sa anim sa mga barangay nito: Tuding, Gumatdang, Ucab, Poblacion (Central), Tinongdan, at Dalupirip.[5]
Ang daang ito ay may haba na 20.2 kilometro (12.6 milya), at nagsisimula sa sangandaan nito sa Daang Leonard Wood sa Baguio.[5] Nagtatapos ito sa pook-kalagitnaan ng Barangay Dalupirip sa tabi ng Ilog Agno.[5]
Alinsunod sa pagtatalaga ng mga pambansang lansangan sa bansa, ang kabuoang lansangan ay itinalagang isang pambansang daang tersiyaryo na walang bilang.[6]
Tingnan din
Mga sanggunian
Mga pangunahing lansangan sa Benguet |
---|
Mga pambansang lansangan | Primera | |
---|
Sekundarya |
- N207 (Gurel–Bokod–Kabayan–Buguias–Abatan Road)
- N232 (Major Mane Road • Philippine Military Academy Road)
|
---|
Tersiyaryo | |
---|
|
---|