Pambansang Awit ng Mehiko

Francisco González Bocanegra
Jaime Nunó

Ang Pambansang Awit ng Mehiko (Espanyol: "Himno Nacional Mexicano"), o kilala rin sa unang taludtod nito, Mga Mehikano, sa sigaw ng digmaan (Espanyol: "Mexicanos, al Grito de Guerra"), ay ang pambansang awit ng Mehiko. Unang ginamit ang himnong ito noong 1854, bagamat hindi pa opisyal na pinagtibay hanggang 1943. Ang titik ng pambansang awit, na nagpapahiwatig sa mga makasaysayang pagtatagumpay ng mga hukbong Mehikano sa gitna ng pakikipaglaban at kabilang ang mga sigaw ng pagtatanggol sa lupang kanilang sinilangan, ay nilikha ng isang makatang si Francisco González Bocanegra noong 1853. Noong 1854, nilikha ni Jaime Nunó ang musikang kasama na sa tula ni González. Ang pambansang awit na ito ay kinabibilangan ng sampung saknong at isang koro, na mabisang ginagamit noong ika-16 ng Setyembre, 1854.

Titik

Noong 1943, ang opisyal na mga titik na ginagamit sa pag-awit ay ang koro, unang saknong, ikalimang saknong, ikaanim na saknong at ika-10 saknong. Iniutos ng Pangulong Manuel Ávila Camacho ang pagsasaayos ng mga titik sa isang atas na nailathala sa Diario Oficial de la Federación (Opisyal na Pahayagan ng Pederasyon). Nang tinugtog ang pambansang awit sa mga paligsahan gaya ng Palarong Olimpiko, ang mga tutugtuging titik na maikakanta ay ang koro, unang saknong at muli ang koro. Ginagamit ang koro, una, at ika-10 saknong sa pagtugtog ng pambansang awit sa tuwing pagsisimula o pagtatapos ng pagsasahimpapawid sa radyo at telebisyon.

Mga kawing na panlabas

Mehiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Mehiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.