Ang Pamantasang Thammasat (Ingles: Thammasat University, Thai: มหาวิทยาลัยธรรมศาสตร์, RTGS: Mahawitthayalai Thammasat, binibigkas [tʰām.mā.sàːt]) (TU) (Thai: มธ.), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa Thailand na may mga kampus sa Tha Phra Chan malapit sa Grand Palace sa gitna ng lumang lungsod (old city) ng Bangkok (kilala rin bilang Rattanakosin), sa Rangsit na 42 kilometro sa hilaga ng Bangkok, sa Pattaya, at sa lalawigan ng Lampang malapit sa Chiang Mai.
Ang Thammasat ay isa sa nangunguna at prestihiyosong unibersidad sa Thailand, na may kontribusyon sa antas pambansa at pandaigdigang pati na rin ang paglahok sa mga kilusang pampulitika at panlipunan sa Thailand.