Pamantasang Purdue

Cary Quad at Spitzer Court.

Ang Pamantasang Purdue (Ingles: Purdue University) ay isang pampublikong unibersidad para sa pananaliksik na matatagpuan sa West Lafayette, Indiana, Estados Unidos, at ang pangunahing campus ng Sistemang Pamantasang Purdue.[1] Ang unibersidad ay itinatag noong 1869 sa pamamagitan ng negosyanteng taga-Lafayette negosyante na si John Purdue na nagbigay ng donasyong lupa at pera upang magtatag ng isang kolehiyo ng agham, teknolohiya, at agrikultura sa kanyang pangalan.[2] Ang unang klase ay ginanap noong Setyembre 16, 1874, na may anim na instruktor at 39 mag-aaral.

Ang pangunahing kampus sa West Lafayette ay nag-aalok ng higit sa 200 meyjor para sa undergraduate, higit sa 69 masteral at doktoral na programa, at mga propesyonal na digri sa parmasya at mga pagbebeterinaryo. Sa karagdagan, ang Purdue ay may 18 inter-kolehiyong mga koponan sa isports at higit sa 900 organisasyon ng mag-aaral. Ang Purdue ay miyembro ng Big Ten Conference at dito nakaenrol ang ikalawang pinakamalaking grupo ng mga estudyante ng anumang unibersidad sa Indiana, pati na rin ang ikaapat na pinakamalaking populasyon ng mga internasyonal na mag-aaral sa anumang unibersidad sa Estados Unidos.[3]

Mga sanggunian

  1. "Purdue Points of Pride". Purdue University. Inarkibo mula sa orihinal noong May 8, 2004. Nakuha noong 2009-11-02.
  2. "Purdue History". Purdue University. Nakuha noong 2009-11-02.
  3. Institute of International Education. (2012). "Top 25 Institutions Hosting International Students, 2011/12" Naka-arkibo 2017-03-20 sa Wayback Machine.. Open Doors Report on International Educational Exchange. Hinango noong Nobyembre 15, 2012.

40°25′30″N 86°55′23″W / 40.425°N 86.9231°W / 40.425; -86.9231 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.