Ang Pamantasang Marquette (Ingles: Marquette University, /mɑrˈkɛt/) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa Milwaukee, Wisconsin, Estados Unidos. Itinatag ito ng Kapisanan ni Jesus bilang Marquette College noong Agosto 28, 1881.
Ang unibersidad ay ipinangalan sa ika-17 siglong misyonero at manlalakbay na si Padre Jacques Marquette, sa intensyong magbigay ng abot-kayang edukasyong Katoliko sa mga imigranteng Aleman. Unang naging institusyong panlalaki, sa kalaunan ay naging koedukasyonal ang Marquette noong 1909.
Ang Marquette ay isa sa pinakamalaking mga pamantasang Heswita sa Estados Unidos, at ang pinakamalaking pribadong unibersidad sa estado ng Wisconsin.