Ang Pamantasang Lebanese (Pranses: Université libanaise, Arabe: الجامعة اللبنانية, Ingles: Lebanese University) ay ang tanging pampublikong institusyon para sa mas mataas na pag-aaral sa Lebanon. Noong 1951, sinimulan ang kauna-unahang klase sa unibersidad sa pamamagitan ng mga kilalang propesor at akademiko. Itinatag ang unibersidad sa ilalim ng suporta ng noo'y pangulo ng Lebanon na si Bechara El Khoury.
Ang unibersidad ngayon ay may 16 kaguruan at sineserbisyuhan ang lahat ng mga kultura, relihiyon, at panlipunang grupo ng mga mag-aaral at mga guro. Ang malayang unibersidad ay merong administratibo, akademiko, at pinansiyal na kalayaan. Kabilang sa mga layunin ng unibersidad ay ang lumikha ng isang natatanging paghalo-halo ng mga kultura at maghain ng pangunahing at kinakailangang edukasyon para tulungan ang mga mag-aaral na makapasok sa iba't ibang mga propesyon.
33°49′40″N 35°31′20″E / 33.827815°N 35.522189°E / 33.827815; 35.522189
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.