Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Yerevan (Ingles:Yerevan State University, YSU; Armenyo: Երևանի Պետական Համալսարան, ԵՊՀ, Yerevani Petakan Hamalsaran) ay ang pinakamatandang pampublikong unibersidad sa Armenia. Itinatag noong 1919, ito ay ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong[1] unibersidad sa bansa. Ito ay kaya impormal na kilala bilang "mother university" sa Armenia (Մայր ԲՈւՀ, Mayr Buh).[2][3][4] Sa humigit-kumulang 3,150 empleyado ng unibersidad, 1,190 ay bumubuo sa kaguruan. Ang unibersidad ay may 400 mananaliksik, 1350 post-graduate students, at 8,500 undergraduates, kabilang ang 300 mag-aaral mula sa ibang bansa.
Ang pagtuturo ay nasa wikang Armenyo, ngunit pagtuturo sa Russian at Ingles para sa mga banyagang mag-aaral ay isinasagawa ayon sa pangangailangan. Ang akademikong taon ay mula Setyembre 1 hanggang Hunyo 30.
Noong 2010, ayon sa University Ranking by Academic Performance (URAP),[5] ito ang nangungunang unibersidad sa Armenia at 954th sa mundo.[6]