Pamantasang Cornell

Ang Arts Quad sa loob ng pangunahing kampus ng Cornell kasama ang ikonikong McGraw Tower sa bakgrawn
Tinatanaw ang Ho Plaza mula sa ibabaw ng McGraw Tower, kasama ang Sage Hall at Barnes Hall sa bakgrawn

Ang Pamantasang Cornell (Ingles: Cornell University) ( /kɔrˈnɛl/ kor-NEL-') ay isang Amerikanong pribadong Ivy League at  land-grant na unibersidad na matatagpuan sa Ithaca, estado ng New York, Estados Unidos. Itinatag noong 1865 nina Ezra Cornell at Andrew Dickson White, layon ng unibersidad ang magturo at gumawa ng mga kontribusyon sa lahat ng mga erya ng kaalaman—mula mula sa klasikos hanggang agham, at mula sa teoretikal hanggang sa gamitin. Ang mga ideyal na ito, di-kumbensyonal nang mga panahong iyon, ay nakapaloob sa motto ng Cornell, isang popular na siping-banggit kay Ezra Cornell noong 1865: "ako ay magtatatag ng isang institusyon kung saan ang ang kahit sino ay maaaring makatagpo ng mga tagubilin sa anumang pag-aaral."[1]

Mula nang itatag ang pamantasan, ang Cornell ay isa nang koedukasyonal at di-pansektang institusyon kung saan ang pagtanggap ang estudyante ay hindi nalilimitahan ng relihiyon o lahi. Ang Cornell ay mayroong higit sa 245,000 buhay na alumni, at ang mga dati at kasalukuyang guro at alumni ay kinabibilangan ng 34 Marshall Scholars, 29 Rhodes Scholars, 7 Gates Scholars, at 54 Nobel laureates.[2][3][4] Ang student body ng Cornell ay binubuo ng halos 14,000 undergraduate at 7,000 graduate na mag-aaral na nagmula pa sa lahat ng 50 estado ng Estados Unidos at 122 bansa.[5][6]

Mga sanggunian

  1. "Cornell University Facts: Motto". Cornell University. Nakuha noong Mayo 22, 2006.
  2. "2009–10 Factbook" (PDF). Cornell University. Nakuha noong Disyembre 27, 2009.
  3. "Cornell Nobel laureates". Cornell News Service. Nakuha noong Hunyo 6, 2006.
  4. "Uncle Ezra". Cornell University. Nakuha noong Enero 10, 2007.
  5. "Facts about Cornell" (URL). Cornell University. Nakuha noong Oktubre 26, 2011.
  6. "Universities for Billionaire Alumni". CNBC. Nakuha noong Nobyembre 2, 2015.

42°26′57″N 76°29′02″W / 42.4492°N 76.4839°W / 42.4492; -76.4839 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.