Ang Pamantasang Chulalongkorn (Thai: จุฬาลงกรณ์มหาวิทยาลัย; RTGS: Chulalongkon MahawitthayalaiChulalongkon Mahawitthayalai; binibigkas [t͡ɕù.lāː.lōŋ.kɔ̄ːn má.hǎː.wít.tʰá.jāː.lāj]; Ingles: Chulalongkorn University), dinadaglat bilang CU o Chula (Thai: จุฬาฯ), ay isang pampublikong at nagsasarilingunibersidad sa pananaliksik sa Bangkok, Thailand.[2] Ito ay ang pinakamatandang unibersidad sa modernong sistema ng edukasyon.[3]
Ang Pamantasang Chulalongkorn ay ang unibersidad na may pinakamataas na ranggo sa buong Thailand sa bawat larangan ng pag-aaral at ito ay suportado ng Office of Nation Education Standards and Quality Assessment ng Thailand. Ang CU ay isa sa mga National Research Universities ng bansa. Bukod dito, ang CU ay ang tanging unibersidad sa bansa na naging miyembro ng Association of Pacific Rim Universities (APRU).
Ang admisyon sa CU ay lubos na selektibo, at kinakailangan ng mga aplikanteng magkaroon ng mataas na mga marka sa pagsusulit. Ang ranggo ng mga aplikante sa loob ng 10 pambansang mga marka ay tinitingnan upang makapasok sa CU.
Ang CU ay binubuo ng labinsiyam na fakultad, School of Agriculture, tatlong kolehiyo, sampung instituto at dalawa pang mga paaralan. Inookupa ng kampus ang isang malawak na lokasyon sa downtown Bangkok. Ang mga gradweyt ng unibersidad ay tradisyonal na nakakatanggap ng kanilang mga diploma mula sa Hari ng Thailand, isang tradisyon na nagsimula sa kay Haring Prajadhipok (Rama VII); noong panahon ni Haring Bhumibol Adulyadej (Rama IX), naatasang dito ang kanyang anak na babae, si Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn, dahil na rin sa kanyang kalusugan.
Gallery
-
Tanawin sa Chulalongkorn University
-
Istatwa nina Haring Chulalongkorn at Haring Vajiravudh
-
Green Hall (1937)
-
Chulalongkorn University main auditorium
-
Chulalongkorn Business School
Mga sanggunian