Ang Pamantasan ng Malayong Silangan (Ingles: Far Eastern University, dinadaglat bilang FEU) ay isang pribadong unibersidad sa lungsod ng Maynila, Pilipinas.[1] Itinatag noong 1934 mula sa pagsasanib ng dalawang institusyon, ang Far Eastern College at Institute of Accounts, Business, and Finance, sa ilalim pag-gabay ng tagapagtaguyod nito at unang presidente, Dr. Nicanor Reyes Sr. [2]