Pamamaslang sa Souhane

Ang pinakamalaki sa mga pamamaslang sa Souhane o masaker sa Souhane ay nangyari sa maliit na bayan ng bundok ng Souhane (mga 25 km sa timog ng Algiers, sa pagitan Larbaa at Tablat) sa 20-21 Agosto 1997. 64 katao ay pinaslang, at 15 kababaihan dinukot. Ang kinalabasang takot ay naghudyat ng isang malawak na paglikas, na ibinaba ang populasyon ng bayan mula 4000 bago ang masaker sa 103 lamang noong 2002. Ang mas maliliit na masaker ay nangyari noong Nobyembre 27, 1997 (18 kalalakihan, 3 kababaihan, 4 na bata ang pinaslang) at Marso 2, 2000, nang may 10 katao mula sa isang solong sambahayan ang pinatay ng mga gerilya. Ang mga patayan ay sinisisi sa mga Islamistang grupo tulad ng GIA.