Ang palitan ng pera (Ingles: currency exchange center o foreign exchange center) ay isang tanggapang napupuntahan ng tao upang makapagpalit ng pera, mula sa isang uri ng pananalapi patungo sa isa pang uri, ayon sa pamantayan at upa o halaga ng palitan.[1] Maaaring isa itong bangko o may kaugnayan at pinamamahalaan ng isang bangko.