Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Butan" nor "Template:Location map Butan" exists.
Ang Paliparan ng ParoIATA: PBH, ICAO: VQPR ay ang natatanging paliparang pandaigdig ng Butan. Ang paliparan ay natatagpuang 6 km (3.7 mi) mula sa Distritong Paro sa isang malalim na lambak sa tabi ng ilog Paro Chhu sa taas na
7,300 tal (2,200 m).
Napapalibutan ng mga bundok na umaabot ng 18,000 tal (5,500 m) sa taas, ang paliparan ay isa sa mga pinaka-mahirap na paliparan sa mundo para sa mga piloto[2] at walo lang na piloto sa buong mundo ang pinapayagang makapagbaba ng eroplano sa paliparan noong Oktubre 2009.[3] Ang mga paglipad sa Paro ay naayon sa biswal na lagay na panahon lamang at pwede lamang makapaglipad sa mga oras na nakasikat ang araw mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.[4]
Mga Destinasyon at Tagapaglipad
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
Ang Druk Air ang pambansang tagapaglipad ng Butan at ito ay nakabase sa Paliparan ng Paro. Ang Buddha Air ang unang pandaigdigang tagapaglipad na nagpatakbo ng paupahang pagpalipad sa Paro noong Agosto 2010.[5] Ang Tashi Air ang unang pampribadong tagapaglipad at sinimula nito ang serbisyo nito noong Disyembre .
↑"Paro Bhutan". Air Transport Intelligence. Reed Business Information. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2011. Nakuha noong 12 February 2011.