Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila
Ang Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila (Inggles: Metro Manila Popular Music Festival), kinikilala ring Metropop, ay isang taunang paligsahan ng paglilikha at pagsusulat ng mga awitin mula 1978 hanggang 1985. Ang layunin nito ay upang ibunsod at iangat ang kagalingan ng mga musikang Pilipino.
Ang paligsahang ito ay likas na binuksan sa lahat ng mga tagalikha ng musika at mga tagasulat ng titik ng awit. Pagdating sa ikalimang paligsahan hanggang tuluyan, ang paligsahan ay nahati sa mga dibisyong pampropesyon at pambaguhan upang mabigyan ang mga baguhang kompositor ng isang antas ng larangan ng pagtugtog na hindi nakikipagpaligsahan sa mga higit na sikat at kilalang kompositor.
Nagbubunsod ang paligsahan ng maraming pagtikad ng mga kompositor at mga mang-aawit, na nag-iinterpreta ng mga awit, at nagbibigay ng orihinal na musikang Pilipino higit sa isang kaunting katangi-tangi at makabagong awiting klasika.
Ang awit na Anak ay walang napanalunan ng anumang gantimpala, subali't naging isa sa mga pinakasikat na Pilipinong awiting popular kailanman, at nailunsad din ang karera ni Freddie Aguilar. Ang kapanahunan nito ay nasa tamang panahon ng pagsisimula ng paglago ng Orihinal na Pilipinong Musika (OPM), at pagkatapos ng unang paligsahan na ito, ang mga karera ng pag-aawit nina Hajji Alejandro, Celeste Legaspi, Maricris Bermont, at Anthony Castelo ay lubos na umangat. Si Ryan Cayabyab ay kinilala na sa kasalukuyan bilang kagalang-galang na kompositor at manunugtog gayundin si Joel Navarro. Sina Imelda Papin at Janet Basco ay napunta sa mga malalaking karera ganundin ng pagkatapos nagkaroon ng mga ibang matagumpay na awitin. Ang Tayo'y Mga Pinoy ni Heber Bartolome ay naging makabayang awit, at ang Kay Ganda ng Ating Musika ni Ryan Cayabyab ay naging awit ng mga uri ng Orihinal na Pilipinong Musika.
Ikalawang Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila (1979)
Sa lahat ng dako ng panahong ito, ang pag-iinterpreta ni Freddie Aguilar ng likha ni Snaffu Rigor ay nanalo ng unang gantimpala. Gayumpaman, ang pinakamalaking matagumpay na popular na awit na itinanghal sa Ikalawang Metropop ay Ewan. Ang awit na ito ay naglunsad ng karera ni Louie Ocampo, na kasalukuyang kagalang-galang na kompositor, at nadagdagan sa mga maraming awitin ng Apo Hiking Society. Ang Apo ay isa sa mga pinakamalaking pagtatanghal sa musikang Pilipino kailanman, at ang kanilang mga awitin ay nakalakip sa tagal ng panahon. Si Rico J. Puno, isa nang malaking bituin, ay nag-interpreta ng pang-ikatlong gantimpala na awit na naging matagumpay rin na awit para sa kanya. Ang kompositor na si George Canseco ay walang napanalunan ng anumang gantimpala, subali't sa kanyang mga awitin bago at pagkatapos ng paligsahan, siya ay naging isa sa mga pinakamapanlikha at matagumpay na kompositor sa tagpo ng musika. Wala rin napanalunan ng anumang gantimpala ang awit na Umagang Kay Ganda, subali't nagingmatagumpay na klasikong awit na popular.
Ikatlong Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila (1980)
Ang awit na Ikaw, Ako, Tayo (Magkapatid) ay humantong sa pagiging pinakamalaking tagumpay mula sa Ikatlong Metropop. Ang mga taga-interpreta ng awit, ang New Minstrels ay dati nang sikat na pangkat ng mga mang-aawit sa panahong ito. Ang awit na ito ay nadagdagan sa kanilang kasikatan, at kahit nang ang mga likas na kasapi ay iniwan at pumasok ang mga bago, ang New Minstrels ay palaging itinuturing isa sa mga pinakamalaking pangkat ng mga mang-aawit sa bansa. Nang dumating sa paghantong sa napakaraming tagumpay na awiting popular ang mga kompositor na sina Jose Mari Chan at Willy Cruz, si Jose Mari Chan ay inaawit ng mga maraming awitin na nilikha niya.
Ikaapat na Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila (1981)
Ang mga mang-aawit na matagal nang kilala tulad nina Florante, Eugene Villaluz, Leo Valdez, at Marco Sison ay mag-interpreta ng kanilang unang lahok ng Metropop. Ang Something Special ay isang suwi ng The New Minstrels, at si Joseph Olfindo ay nagmula rin sa pangkat ng mga mang-aawit sa bandang huli. Walang nagkaroon ng malaking tagumpay mula sa paligsahang ito, bagama't ang mga awiting Kahit Konti at Magsimula Ka ay mga maykaugnay na tagumpay. Ito ay kawili-wili sa pagturan na bukod pa ang mga kababaihan sa Something Special (gayunding may mga lalaking kasapi), lahat ng mga nag-interpreta sa paligsahan ay mga lalaki.
Ikalimang Paligsahan ng mga Musikang Popular ng Kalakhang Maynila (1982)