Ang Palazzo Taverna ay isang palasyo sa Roma, na matatagpuan sa Via di Monte Giordano at unang itinayo ni Kardinal Giordano Orsini, na nagnanais na isalin ang kaniyang sinaunang kastilyo sa Monte Giordano [it] at gawing isang tirahan. Ito ang tirahan ng Adriana noong siya ay nangangasiwa sa edukasyon ng mga anak ng lalaking ihahalal na Papa Alejandro VI: Lucrezia Borgia, Juan Borgia, at Cesare Borgia.[1] Nang maglaon ay nirentahan ito ng mga kilalang personalidad tulad ng mga kardinals Ippolito II d'Este (anak ni Lucrezia Borgia), na ginamit ito upang patirahin si Torquato Tasso, at Maurizio di Savoia. Naipasa ito sa pamilyang Gabrielli noong 1688 at ginamit nila ito upang patirahin ang mga miyembro ng pamilya Bonaparte tulad ni Eugénie de Montijo. Noong 1888 ipinasa ito sa pamilya Taverna. Tahanan ito ngayon ng In/Arch at koleksyon ng mga pinta na gawa ng mga artistang tulad nina Sebastiano Ricci at Rosa da Tivoli. Ang pangunahing balong sa mga hardin ay idinisenyo ni Antonio Casoni.