Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue |
---|
The Pagoda for the 2015 festivities. |
Katayuan | Active |
---|
Dalás | 1st Sunday of July |
---|
Pinagdarausan | Bocaue River |
---|
Lokasyon | Bocaue, Bulacan |
---|
Bansa | Pilipinas |
---|
Established | 1850 |
---|
Mga kalahok | Residents of Bocaue, Devotees of the Holy Cross of Wawa |
---|
Gawâin | Pagoda river procession, holy mass, novena, entertainment events |
---|
Ang Pagoda sa Wawa, na nakikilala rin bilang Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue (Ingles: Bocaue Pagoda Festival) ay isang pagdiriwang na idinaraos sa bayan ng Bocaue, Bulacan sa pulo ng Luzon sa Pilipinas tuwing unang Linggo ng Hulyo. Ipinagdiriwang sa pistang ito ang pagkakatuklas ng mahimalang krus na nakalutang sa Ilog ng Bocaue 200 mga taon na ang nakalilipas.[1]
Pagdaraos ng kapistahan
Sa araw ng Pagoda sa Wawa, isang kopya ng krus na pinagpakuan ni Hesukristo ang ipinuprusisyon habang nakasakay sa isang pagodang pinalamutian at ginagabayan ng mga bangkang makukulay. Pinaparangalan ng prusisyon at ng nobena ang Banal na Krus ng Bocaue, Bulacan na mas nakikilala bilang Krus ng Wawa.[1]
Alamat ng Pagoda sa Wawa
Ayon sa alamat ng Pagoda sa Wawa, isang tao ang nakabingwit at nakapagligtas ng Krus ng Wawa magmula sa ilog ng Bocaue dalawampung taon na ang nakakaraan.[1]
Trahedya
Noong Hulyo 2, 1993, habang ipinagdiriwang sa Ilog ng Bocaue ang Kapistahan ng Krus ng Wawa, naganap ang isang sakuna, kung saan naging labis ang lulang tao ng pagoda kung kaya't nang lumubog ang pagoda ay maraming taong nalunod. Sa ngayon, kapag ipinagdiriwang ang Pagoda sa Wawa, inaalala rin ng mga deboto ang mga namatay noong 1993.[1]
Mga sanggunian