Ang pagdurugong aksidental, na nakikilala sa Ingles bilang accidental hemorrhage, ay nakikilala ng mga accoucheur (mga nagpapaanak o "komadrona") sa larangan ng obstetrika bilang uri ng pagdurugo na na nagaganap, habang buntis, mula sa isang hindi buong paghiwalay ng plasenta o inunan mula sa pang-itaas na bahagi ng dingding ng bahay-bata, kung saan normal itong nakalagay. Kapag ang inunan ay nasa pang-ibabang bahagi ng bahay-bata (sa kalagay na kung tawagin ay placenta praevia) ang nagaganap na pagdurugo ay nakikilala bilang hindi maiiwasang pagdurugo o unavoidable hemorrhage.[1]
Mga sanhi
Ang pagdurugong aksidental o hindi sinasadya ay maaaring dahil sa pagkabanat o pagkapagod (kapwa tinatawag na strain sa Ingles), pagkakahulog o pagkakabagsak, o iba pang mga uri ng pinsala o mga sanhi. Ang dugo ay maaaring dumaloy mula sa pasyente na kaunti o marami, subalit kung minsan ay hindi umaalis ang dugo mula sa butas ng bahay-bata, kapag ang pagdurugo ay sinasabing nakatago. Ngunit ang pagkakaroon nito ay maaaring mapagmasdan sa pasyenteng labis na namumutla at napahandusay. Sa kadalasan din, mayroong lubhang hapdi na ang katangian ay parang napupunit o dumadagang pababa. Sa ganitong kalagayan, agad na dapat masuri ng manggagamot ang pasyente. Dapat na mapanatiling tahimik at hindi gumagalaw ang pasyente hangga't maaari. Dapat ding mapanatiling mainit ang katawan ng pasyente, subalit hindi dapat painumin ng mga estimulanteng alkoholiko (mga "alak na nakapagpapasigla").[1]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Accidental hemorrhage". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 8.