Ang Pagbomba sa Bangkok ng 2015 o Pagsabog sa Bangkok ng 2015 (lit: 2015 Bangkok bombing) ay nangyari sa labas ng Erawan Shrine sa interseksyon ng Ratchaprasong ng Distrito ng Pathum Wan sa Bangkok, Thailand noong Agosto 17, 2015.[2][3] Dalawampung katao ang namatay at 125 ay nasaktan sa dulot ng pagsasabog.[1] Hinahabol ng pulis ang isang taong pinahihilanganang may kinalaman sa pagsasabog na nagiwan ng isang backpack sa eksena ng pangyayari, bago mangyari ang pagsabog.[4]
Mga naunang insidente
Noong Pebrero 2015, dalawang bomba ay sumabog sa Ratchaprasong Skywalk sa labas ng kalapit na Siam Paragon na isang mall na nakasakit sa dalawang tao. Ang pagsasabog ay pinaniniwalahang may motibo na may kinalaman sa pultika.[5] Noong Abril 2015, isang bomba sa sasakyan ay pinasabog sa Ko Samui na nakasakit ng pitong katao.[6]
Ang pagpapasabog
Noong Agosto 17, 2015, sa oras ng 18:55 ICT (11:55 UTC), isang bomba ay pinasabog sa loob ng lupain ng Erawan Shrine, malapit sa interseksyon ng Ratchaprasong sa sentro ng lungsod ng Bangkok.[7][8] Sinabi ng Kapulisang Royal Thai na isang 3 kilogram (6.6 lb) ng TNT ay nilagay sa loob ng tubo at iniwan sa ilalim ng bangko sa gilidang bahagi ng lupain na nakapalibot sa dambana at ang isang kable ng kuryente ay pinahinihingalahang ginamit sa pagsasabog ay nahanap 30 metro (98 tal) mula sa eksena[2]Padron:Not in citation given
Wala pa ay nagsasabi na sila ay nasa likod ng pag-atake.[9] Ang pag-atake ay sinasabing may layon na pagbagsakin ang turismo at ekonomiya ng Thailand.[10]
Pangalawang insidente
Sa magkahiwalay na pag-atake sa Bangkok, isang gamit pangpasabog ay ihinagis mula sa isang tulay na malapit sa pier ng barko ng kaunting panahon pagkatapos ng 13:00 ICT noong Agosto 18, 2015, ngunit ito ay hindi nagdulot ng pagkasaktan ng kahit isang tao. Ang gamit pangpasabog, na maaring isang grenada, ay maaring ihinagis patungo sa pier ng Sathon sa Bangkok ngunit ito ay napunta sa tubig kung saan ito sumabog. Ang pangalawang hepe ng kapulisan ng distrito ay sinabi na "Kung ito ay di nahulog sa tubig, ito ay tiyak na ikakasakit ng ilang katao." Ang tulay ay nagtamo ng ilang sira.[10]
Ang ilang mga biktima ay may maraming kabansaan. Ang pagbibilang ay mula sa paunahanang datos.
Karamihan sa mga biktima ng pagsasabog ay mga turista na bumibisita sa dambana.[13] Ang Kapulisang Royal Thai ay inulat na 20 katao ang namatay at 125 ay nasaktan dulot ng insidente.[1] Kasama sa mga namatay ay anim na mga Thai,[11] limang taga-Malaysia,[12] apat na Tsino, dalawang taga-Hong Kong (kasama ang isang Briton na residente sa Hong Kong),[13] isang taga-Indonesian, at isang taga-Singapore.[11] Ilan sa mga nasaktan ay mga Hapones, taga-Malaysia, taga-Maldives, taga-Oman, Pilipino, taga-Qatar at taga-Taiwan.[13]
Mga tala
↑Kasama ang isang Briton na residente sa Hong Kong[13]