Ang osprey, halyeto, o halieto (Ingles: fishhawk, seahawk, at fish eagle; pangalan sa agham: Pandion haliaetus), kilala rin bilang lawing mangingisda, lawin ng dagat, o agilang mangingisda (pero hindi ito isang agila ng dagat), , ay isang uri ng ibong kumakain ng isda. Isa itong malaking ibong may haba na 60 mga sentimetro (24 mga pulgada), at mayroong malapad na itim na guhit sa mga mata at mga pakpak. Kabila ito sa uring falconiformes ng saring Pandion, ang kaisa-isang sari sa pamilyang Pandionidae.
Kilala rin ito sa ngalang bagnig ng mga Aeta at sayay sa Ivatan.
Mga sanggunian
↑BirdLife International (2008). "Pandion haliaetus". 2008 IUCN Red List of Threatened Species. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2008. Nakuha noong 24 Pebrero 2009. Kasama sa kalipunan ng mga datong ipinasok ang katuwiran kung bakit hindi ikinababahala ang pag-iral ng mga uring ito.