Ang Nuxis (Sardinian: [ˈnuʒizi]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Timog Cerdeña, rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 35 kilometro (22 mi) sa kanluran ng Cagliari at mga 20 kilometro (12 mi) silangan ng Carbonia.
Ang Nuxis ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Assemini, Narcao, Santadi, Siliqua, at Villaperuccio.
Kasaysayan
Itinatag ang nayon sa paligid ng taong 1000 AD, kahit na mayroong arkeolohikong ebidensiya ng isang paninirahang nurahika, at lumaki mula sa isang paninirahang sakahan. Ang pastoral na paninirahan ng Nuxis ay tinulungan ng pagkakaroon ng mga mongheng Benedictino sa kalapit na Narcao at Flumentepido.[3]
Mga pangunahing tanawin
Ang maliit na simbahan, na may lawak na wala pang 100 square metre (1,100 pi kuw), ng Sant'Elia di Tattinu, na matatagpuan humigit-kumulang 250 metro (820 tal) timog ng nayon ay isang halimbawa ng arkitekturang Bisantino sa Cerdeña.
Mga sanggunian