Nestlé

Nestlé S.A.
UriPubliko
IndustriyaPagproseso ng pagkain
NinunoHollandia Edit this on Wikidata
Itinatag1866 Edit this on Wikidata
NagtatagHenri Nestlé
Punong-tanggapanVevey, Vaud, Switzerland
Pinaglilingkuran
Worldwide
Kita92,998,000,000 (2023) Edit this on Wikidata
Kita sa operasyon
14,063,000,000 (2023) Edit this on Wikidata
11,209,000,000 (2023) Edit this on Wikidata
Kabuuang pag-aari135,182,000,000 (2022) Edit this on Wikidata
Dami ng empleyado
270,000 (2023) Edit this on Wikidata
Websitewww.nestle.com

Ang Société des Produits Nestlé SA (o Nestlé SA) ay ang pinakamalaking kompanya ng pagkain sa daigdig. Nasa Vevey, Switserland ang punong-himpilan nito. Itinatag noong 1866 ni Henri Nestlé, ito ang pinakamalaking pampublikong kompanyang gumagawa ng pagkain sa mundo, sinusukat ayon sa kita at ibang panukat, simula noong 2014.[1][2][3][4][5] Nakaranggo ito sa Blg. 64 sa talang Fortune Global 500 noong 2017[6] at Blg. 33 sa edisyong 2016 ng talang Forbes Global 2000 ng pinakamalalaking pampublikong kompanya.[7]

Isa sa mga kilalang produkto nila ang Nido na isang pinulbos na gatas na ipinakilala noong 1944 at tinatawag din ito sa Indonesia bilang Dancow at Nespray. Isa pang produkto nila ang Nestlé Chunky na isang bar ng kendi na may tsokolateng gatas, pasas, at inihaw na mani. Bagaman, ginawa ang Nestlé Chunky ng Ferrara Candy Company, isang dibisyon ng Ferrero SpA.[8]

Naikakabit sa kompanya ang iba't ibang kontrobersiya, hinaharap na kritisismo at boykot sa pagmemerkado ng mga pormulang pangsanggol bilang alternatibo sa pagpapasuso sa mga bansang umuunlad (kung saan kakaunti ang malinis na tubig), pag-asa nito sa manggagawang bata sa produksyon ng kakaw, at produksyon at promosyon ng deboteng tubig.

Mga sanggunian

  1. "Nestlé's Brabeck: We have a "huge advantage" over big pharma in creating medical foods" Naka-arkibo 2014-04-10 sa Wayback Machine., CNN Money, 1 Abril 2011 (sa Ingles)
  2. "Nestlé: The unrepentant chocolatier" Naka-arkibo 2012-04-06 sa Wayback Machine., The Economist, 29 Oktubre 2009. Hinango noong 17 Mayo 2012 (sa Ingles)
  3. Rowan, Claire (9 Setyembre 2015). "The world's top 100 food & beverage companies – 2015: Change is the new normal" (sa wikang Ingles). Food Engineering. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2016. Nakuha noong 14 Nobyembre 2016.
  4. McGrath, Maggie (27 Mayo 2016). "The World's Largest Food And Beverage Companies 2016: Chocolate, Beer And Soda Lead The List". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobyembre 2016. Nakuha noong 14 Nobyembre 2016.
  5. "Nestlé tops list of largest food companies in the world". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2017. Nakuha noong 26 Oktubre 2017.
  6. "Fortune Global 500 List 2017: See Who Made It". Fortune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2018. Nakuha noong 30 Enero 2018.
  7. "The World's Biggest Public Companies". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2015. Nakuha noong 14 November 2016.
  8. "Nestlé Agrees to Sell U.S. Confectionery Business to Ferrero" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Nestlé USA. 16 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2018. Nakuha noong 28 Enero 2021.