My Name is Kim Sam Soon |
---|
Uri | komedya romantika |
---|
Pinangungunahan ni/nina | Kim Sun-a, Hyun Bin, Jung Ryeo-won, Daniel Henney, Lee A-hyeon, Na Moon-hee, Kim Ja-ok, Seo Ji-hee, Lee Kyu-han, Yeo Woon-kay, Kwon Hae-hyo, Kim Ki-bang, Lee Yoon-mi |
---|
Bansang pinagmulan | Timog Korea |
---|
Wika | Koreano |
---|
Bilang ng season | 1 |
---|
Bilang ng kabanata | 16 |
---|
|
Orihinal na himpilan | MBC TV |
---|
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 1 Hunyo (2005-06-01) – 21 Hulyo 2005 (2005-07-21) |
---|
|
Sumunod sa | Super Rookie |
---|
Sinundan ng | Our Attitude to Prepare Parting |
---|
|
Opisyal |
Ang My Name is Kim Sam Soon (Koreano: 내 이름은 김삼순; RR: Nae ireumeun Kim Sam-soon; internasyunal na kilala bilang My Lovely Sam-soon) ay isang Koreanovela na batay sa nobela sa internet na may kaparehong pamagat na sinulat ni Ji Soo-hyun, na nailathala noong 9 Marso 2004.[1][2][3][4][5] Ipinapakilala ito ng mga gumawa bilang ang Koreanong bersyon ng Bridget Jones's Diary. Pinagbibidahan ito nina Kim Sun Ah (na tumaba ng 15 libra para sa pagganap[6]), Hyun Bin, Jung Ryeo-won at Daniel Henney. Isa makalumang pangalan sa kulturang Koreano ang "Sam-soon" na nanganahulugang "ikatlong anak na babae" (sam (삼) ay ikatlo, soon (순) ay mahinhin o pambabae).
Sumahimpapawid ang serye sa MBC mula Hunyo 1 hanggang 21 Hulyo 2005 tuwing Miyerkules at Huwebes sa ganap na 21:55 na may 16 na kabanata. Sa Pilipinas, unang umere ito sa GMA Network mula Pebrero hanggang Abril 2006, kung saan nakatanggap ng marka o rating sa manonood na 40.2% at may karaniwang marka na 34.9%, na naging isa sa mga matataas na marka sa mga drama sa Asya na umere sa Pilipinas.[7] Muli ito pinalabas sa GMA Network noong 2009 at 2015.
Mga sanggunian
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.