Multicultural Family Music Broadcast

Kabuuan ng Programa

  1. Ang Multicultural Family Music Broadcast ay maaaring pakinggan sa walong iba’t ibang wika katulad ng Filipino na inihahandog ng Woongjin Foundation at Digital Radio KISS sa South Korea.
  2. Ang programa ay para sa mga dayuhang naninirahan dito sa South Korea lalong-lalo na ang mga multicultural families. Ito ay sinimulan sa ika-unang araw ng Setyembre, 2009 na pinangungunahan ng mga DJ na matatas sa pagsasalita ng mga nabanggit na wika. Ihahatid po ng mga DJ ang ilang mahahalagang balita at musikang sariling atin.
  3. Ang Multicultural Family Music Broadcast ay maghahatid ng sari-saring impormasyon hinggil sa kultura dito sa South Korea na maaaring makatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga dayuhang naninirahan sa bansang ito. Mayroon ding bahagi kung saan mag-aaral ng wikang Koreano. Ang walong programa ay mapakikinggan sa dalawang channels sa loob ng dalawampu’t apat na oras. Anim na oras pong mapakikinggan ang isang programa sa loob ng isang araw.
  4. Ang Multicultural Family Music Broadcast po ay naglalayong maging tulay na mag-uugnay sa pagkakaiba-iba ng mga kultura, maipaliwanag ang kultura ng Korea at maging daan sa pagkakaroon ng pagmamahal sa bawat isa.
  5. Ang Multicultural Family Music Broadcast ay maaaring tawagan sa numerong (02)3272-1900 (Digital Radio Kiss).

Paraan ng Pakiking

  1. Satellite Broadcasting: Skylife Channels 855, 856 o 620
  2. Cable TV: C&M Cable TV 811, 812 Kangwon Cable TV Channels 510&511
  3. IPTV (Qook TV): Channels 620 & 621
  4. Internet: Mapakikinggan sa pamamagitan ng live audio streaming o kaya naman ay Audio on Demand (AOD)
  5. Website ng Woongjin Foundation http://www.wjf.kr


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.